-
Galileo Zafra
-
Rowena Guevara
-
Odilon Badong, Jr.
-
Christine Clarin
-
Katherine Rara
-
Elaine Rose Cristobal
-
Jonald Albete
-
Louis Andrew Dizon
-
Eugene Carl Geronimo
-
Erica Mae Abbass
Abstract
Ang wikang Pilipino1, ang wikang pambansa noon na nakabase sa Tagalog, ay ginabayan ng mga simple at madaling sunding tuntunin sa pagbaybay. Sa pangkalahatan, nakasentro ang mga tuntuning ito sa isang payak na patnubay: “kung ano ang bigkas ay siyang baybay.” Gayunman, nang ang Surian ng Wikang Pambansa, ang ahensiya ng pamahalaan na inatasang manguna sa pagpapaunlad ng wikang pambansa, ay nagpasok ng walong dagdag na letra (c, f, j, n, q, v, x, z) sa dating abakadang Pilipino, ang pagbaybay sa wikang pambansa, na tinatawag na ngayong Filipino, ay naging masalimuot.2 Sa kabila ng ganitong komplikasyon sa sistema ng pagsulat, simula nang ipakilala ang walong dagdag na letra, nagkaroon ng dinamikong pagpapalawak ng bokabularyong Filipino lalo na sa pamamagitan ng mga ambag mula sa iba’t ibang disiplinang akademiko. Sa mga tekstong nakasulat sa Filipino, kapansin-pansin ang mga pagkakaiba sa paggamit ng walong dagdag na letra, gayundin sa pagtutumbas ng mga vowel sa mga hiram na salita. Para tugunan ang mga kalituhan sa sistema ng pagsulat, naglunsad ng mga proyekto ng estandardisasyon ng wikang Filipino na naglalayong bumuo ng mga tuntunin sa pagbaybay.