Paggamot sa Gitna ng Paggahasa: Ang mga Pagamutan Bilang Pook ng Brutalidad at Kabayanihan Noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila (3 Pebrero – 3 Marso 1945)
Abstract
Mahigit kalahating dantaon na ang nakararaan, nabibigla pa rin tayo sa tuwing ating naririnig ang mga kuwento ng brutalidad na tulad ng naisalarawan ni Miller. Mga karanasang tila mga multong ninais kalimutan subalit patuloy na gumigitla sa atin. Sa inyong nabasa, maging ang mga maysakit at ang mga pagamutan ay hindi pinatawad ng karahasan na isinagawa ng mga natatalong Hukbong Hapones sa labanan para sa “Liberasyon” ng mga Amerikano sa Maynila.Sa tuwing pinag-uusapan ang mga digmaan sa kasaysayan, ating tinitingnan ang pagkilos ng mga kawal, ang mga pinuno, ang mga tagumpay at mga kabiguan sa labanan. Nakakaligtaan na sa likod ng mga nakatalang mga pangyayaring ito sa mga digmaan, ay ang iba’t ibang walang pangalang mga tao na naging biktima ng karahasan, o di kaya’y nagsisilbi sa mga digmaan bilang mga kawaning propesyonal.
Bibigyang-pansin natin ngayon ang mga instalasyong medikal noong Liberasyon ng Maynila.