Abstract
Ang dula-tula ay isang anyo ng dula na hinubog at itinatanghal ng University of the Philippines Repertory Company mula 1975 hanggang sa kasalukuyan. 1 Makulay ang kasaysayan nito, na tututukan natin sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa isang akdang ipinalabas mula 1976 hanggang 1991, ang “Iskolar ng Bayan.” Naging tradisyon sa pamantasan na ipalabas ang dula taon-taon sa mga baguhang estudyante o freshmen. Apat na bersiyon ng iskrip ang pag-aaralan—tatlong nakalimbag at isang manuskrito—na nagtakda ng kapanahunan sa kasaysayan ng dula. Ininterbyu din ang ilan sa mga pangunahing tauhang humubog at patuloy na humuhubog sa dula-tula.