Dayalektolohiya ng Inonhan sa Isla de Carabao, Romblon

  • Jem R. Javier UP Diliman

Abstract

Tatangkain ng pag-aaral na ito na palitawin ang mga dayalekto ng Inonhan sa Isla de Carabao, Romblon, bilang tugon sa obserbasyon ng mga tagaroon na mayroong pagkakaiba-iba sa “salita” ang bawat sitio sa nasabing isla. Bilang preliminaryong pag-aaral, gagamitin ang antas na lexicostatistic sa metodolohiya ng dialect geography upang mapalitaw ang mga dayalektal na katangian ng bawat sitio. Matapos makalap ang datos sa pormang wordlist at maiparaan sa mga pamamaraang idinidikta ng mga nabanggit na metodolohiya, lumitaw na (1) tunay na magkakalapit ang mga speech habit ng mga nakatira sa lahat ng sitio ng Isla de Carabao, base sa cognate percentage ng mga ito sa isa’t isa; at (2) may limang posibleng dayalekto ng Inonhan sa isla: Inonhan-Busay, Inonhan-Tinap-an, Inonhan-Pacul, Inonhan-Tan-agan, at Inonhan-Sa-id-Batacan, batay sa mga lexical feature na masasabing katangi-tangi sa mga sitiong ito. Gayumpaman, dahil sa napansing labis na nakakalat ang mga posibleng isogloss ng isla, malaki ang posibilidad na bukod sa limang dayalektong nabanggit, mayroong iba pang varieties ang Inonhan sa Isla de Carabao.

 

 

This paper is an overview of the linguistic situation of Isla de Carabao, Romblon, and a preliminary dialectology of Inonhan, the language predominantly spoken in the island. Methodologies from lexicostatistics will be employed so as to process the lexical data obtained from fieldwork. The brief historical account and current socio-economic condition of the island discussed in this paper will be taken into account to explain the erratic behavior of the cognate forms found in the sitios that comprise the island. Accordingly, it is discovered that the dynamics of the population in this permeable island results in the multilingualism of the locality, as evidenced principally by the large number of loanwords from other languages. Using these findings, it can therefore be said that Inonhan is a living language which is open to linguistic innovations, enabling it to cope with the development and advancements in the way of life in Isla de Carabao.

 

Keywords: Inonhan, dialectology, sociolinguistics, lexicostatistics, Isla de Carabao

Published
2012-09-14