“Pataasan ng Ihi” Bilang Pangangatwiran: Politikal na Diskurso ng Taumbayan sa mga Kuwentong Bayan ng Aklan
Abstract
Haka ng papel na ito na sa ginagawa at sa gawaing “pataasan,” isang kuwentuhang may pagkabastos na kadalasang nagaganap sa loob ng isang grupo, ay naaakda ang pagbabaliktad ng hirarkiya at ang pag-interoga sa panlipunang kaayusang itinataguyod ng dominanteng lahi sa kuwento at nailalantad ang diskurso ng kapangyarihan. Sa pagbasa sa mga tagasagisag tulad ng ari at dumi ay maaaring maitanghal ang mga kahulugan at potensyal na subersyong nakapaloob sa mga kuwento kung saan palaging nananalo ang karakter na “Pilipino” laban sa “hindi Pilipino.” Gamit ang pananaw ni Mikhail Bakhtin, binasa ang mga nakalap na kuwentong “pataasan” mula sa probinsya ng Aklan at inilantad ang mga nakatago, itinanghal ang bawal at (muling) ikinunekta ang mga bagay at pangyayari na itinuturing na walang koneksyon; ang mga pangit at marurumi ay sinubukang bigyang-puwang para malikha ang oposisyonal at paradoksikal sa lipunan at muling mabuo ang mga nalupig na katawan at kaalaman ng lahing Pilipino.
This paper proposes that in the doing and in the holding of “pataasan” contest, a type of vulgar storytelling that usually takes place in a group, there is the writing of a reversal in hierarchy, the interrogation of the social order constructed by the dominant race and the exposition of the discourse of power. In reading the signifiers like sexual organ and excreta, meanings and potential subersiveness of these stories where the character “Pilipino” always won against the “non-Pilipino” could be foregrounded. The collected “pataasan” stories from the province of Aklan were read using the perspective of Mikhail Bakhtin so as to make known what were hidden, foreground what were taboos, and reconnect objects and experiences that were considered having no connections; the ugly and the dirty were given opportunities to create the oppositional and paradoxical in our society so as to reconstruct the subjugated bodies and knowledges of the Filipino race.
Keywords: “pataasan,” kuwentong bayan, post-kolonyal, “taumbayan,” karnibalisasyon