Ang Ikatlong Dekada: Ang Sitwasyon at Mungkahing Pagpapaunlad ng Panitikang Pambata sa Pilipinas (2000-2009)
Abstract
Nakatutok itong pag-aaral sa kalagayan ng panitikang pambata sa Pilipinas mula 2000 hanggang 2009. Tinatalakay ng preliminaryong pagsisiyasat ang mga sumusunod na usapin at tunguhin sa mga sumusunod na aspekto ng produksiyon ng nasabing anyo: mga kapangahasan sa panitikang pambata; paglalathala sa mga radikal na tekstong pambata; panitikang pambatang nilikha ng mga bata; aklat pambata mula sa rehiyon; mga aklatang pambata, kasama na ang mga online library; kritisismo at pananaliksik; mga gawad at timpalak pampanitikan; mga organisasyon; at ang tungkulin ng muling pagsasalaysay (retelling) ng mga klasiko at panitikang-bayan. Rekomendasyon ang huling bahagi ng pananaliksik tungo sa pagpapaunlad ng panitikang pambata sa bansa. Naglaan din ng detalyadong timeline ang mananaliksik na magsisilbing tulong at gabay sa mga iskolar at mananaliksik.
The paper focuses on the situation of children’s literature in the Philippines from 2000 to 2009. This preliminary study discusses the following issues and trends in the aspects of production: sensitive topics in children’s books; publishing radical texts; children’s literature written by children; children’s literature from the regions; children’s libraries and online libraries; criticism and research; awards and literary contests; organizations; and the role of retelling of classic literature and folklore. The last part of the study is a recommendation towards the development of the literary form. A detailed timeline is also provided as an aid and guide to future scholars and researchers.
Keywords: children’s literature, trends, issues, children’s books