Komparatibong Analisis ng Aktuwal na Gamit ng Wika at mga Piling Pamantayan sa Gramatika at Ortograpiya sa Filipino, Sebwano-Bisaya at Ilokano: Lapit Batay sa Korpus
Abstract
Ang implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) ay nangangailangan ng tiyak na tuntunin para sa ortograpiya at gramatika. Bagaman mayroon nang ganoong tuntunin sa ilang wika sa Pilipinas, kailangang matukoy ang mga pinagkasunduan at hindi pagkakatugma ng mga tuntunin at paggamit upang maiwasan ang pagkalito. Ang pag-aaral na ito ay gumagawa ng obhetibong analisis sa mga lebel ng kasunduan, sa mga tuntunin sa gramatika at ortograpiya, sa pagitan ng mga sangguniang aklat at sa aktuwal na paggamit sa tatlong pangunahing wika sa Pilipinas—Filipino, Sebwano-Bisaya at Ilokano na makikita sa web-mined text corpora. Isang listahan ng mga tuntunin ng wika sa gramatika at ortograpiya ang pinili mula sa pamantayan ng mga sangguniang aklat para sa bawat wikang nabanggit. Tinukoy ang iba’t ibang anyo ng paggamit sa bawat napiling tuntunin ng wika at binilang ang dalas ng paggamit ng mga ito para sa komparatibong analisis ng mga tuntuning itinakda ng mga pamantayan na sangguniang aklat at ng aktuwal na paggamit ng wika. Ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral ay mahalaga sa edukasyon ng wika, upang matukoy ang lawak ng mga baryasyon ng paggamit ng wika sa aspekto ng gramatika at ortograpiya.
The implementation of Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) will require definitive rules for orthography and grammar. While there are such rules for some Philippine languages, there is a need to determine the agreement and points of departure between the rules and the usage to avoid confusion.This study makes an objective analysis of the levels of agreement, in terms of grammar and orthographic rules, between reference books and actual usage as evidenced from web-mined text corpora for three major Philippine languages, namely Filipino, Cebuano-Visayan and Ilokano. A list of language rules on grammar and orthography were selected from standard reference books for each of the aforementioned languages. Alternative forms of usage for each selected language rule were identified, and frequency counts were made, to be used as bases for a comparative analysis between the rules prescribed by standard reference books and actual language usage. The techniques used in this study are important in language education, serving to identify areas of Variation in language use in aspects of grammar and orthography.
Keywords: Ortograpiya, Korpus na Linggwistiks