Ang Proseso ng Pag-oorganisa ng Pamayanan na Mula sa Tao Para sa Tao

  • Angelito G. Manalili Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

Ang aklat na ito na may pamagat na “Pag-oorganisa ng Pamayanan: Tungo sa Kaunlaran Mula Tao para sa Tao” ay bunga ng pakikipaglakbay ng may-akda sa mga dukha at inagawan ng kapangyarihan. Sa kaniyang tuloy-tuloy na pakikipag-aralan sa masa, patuloy sa kanilang pag-oorganisa at pakikipagkawit-bisig sa kanilang pakikibaka, matututuhan niya, kasama ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, manggagawa, maralita ng lungsod, kababaihan, kabataan, nakatatanda, at mga may kapansanan na ang pag-oorganisa ng pamayanan ay umiikot sa buhay, karanasan, at pangarap ng mga tao. Iniluluwal ito ng kanilang kondisyon at pangangailangan. Dumaraan sa isang masinsin sa proseso ng pag-angkin: Isa na naging dalawa, dalawa na naging apat, apat na naging walo, walo na naging labing-anim, labing-anim na naging tatlumpu’t dalawa, tatlumpu’t dalawa na naging animnapu’t apat na naging isang daan at dalawampu’t walo… Taga sa panahon at hindi hininog sa pilit. Naitatag nang may malinaw na batayan ng pagkakaisa na habang isinusulong nila nang sama-sama’y patuloy na tumataas ang kanilang pagtitiwala sa kanilang kolektibong kakayahang pagandahin ang kanilang bukas.

 

Ang pag-oorganisa pala ng pamayanan ay nakatitik sa mga dahon ng ating kasaysayan. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyan. Nagsisimula ito sa kanayunan, nagiging pambayan, panglungsod, panglalawigan, pangrehiyon, at pambansa, hanggang sa maging pagkakawit-bisig ng buong sambayanan tungo sa pagsusulong ng kaunlarang ang bunga nito’y pinagsasaluhan ng lahat. Kaunlarang mula tao para sa tao.

 

Mga Susing Salita: pamayanan, pagpapaunlad, pag-oorganisa, sama-sama, pagplano, pamamahala, pamumuno, pangangasiwa, pagpapalakas ng samahan

 

 

This book entitled “Pag-oorganisa ng Pamayanan: Tungo sa Kaunlaran Mula Tao para sa Tao” (Community Organizing:  Development from the People for the People) is a result of the author’s journey with the poor and powerless.  Through the process of learning with the masses, organizing in union with their struggle, he will learn, together with the farmers, fishermen, indigenous people, workers, urban poor, women, youth, elderly, and those who are handicapped that community organizing revolves around the lives, experiences, and dreams of the people.  It is brought forth by their needs and condition.  It goes through a thorough process of owning:  one that becomes two, two that becomes four, four that becomes eight, eight that becomes sixteen, sixteen that becomesthirty-two, thirty-two that becomes sixty-four, sixty-four that becomes one hundred and twenty-eight…Time is a required element and it cannot be rushed.  It was founded with a clear basis of unity that as the people go through with it, they develop trust in their collective ability to have a brighter future. 

 

Organizing a community is founded on the basis of our history.  It is continuing.  It starts in the barrios that gradually goes to the village, cities, provinces, regions and the nation until it unites the whole archipelago that pushes for a development that bears fruit shared by the people.  Development from the people for the people.

 

 

Keywords: community, development, organizing, participatory, project development, management, collective leadership, people’s organization