Makinilyang Altar: Ang Dalumat ng Panunupil at Pagturing sa Walang Hanggang Lunggati

  • Pauline Mari Hernando Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

Binabaybay sa artikulo ang salaysay sa nobelang Makinilyang Altar hinggil sa mga lunggating isinuong ng sariling testimonya ni Laya Dimasupil mula sa hindi mapigil-pigil na pagsamba sa makinilyang altar at ang kanilang pakikipagbuno sa pagdatal at paglisan. Ibinahagi ni Luna Sicat-Cleto ang mga tala sa pitumpu’t pitong journal ng ama bilang salalayan ng pagkilala sa “halimaw” na iginuhit ang kadakilaan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga kabalintunaan at kabalighuan ng pag-iral. Isang pagbabalik-tanaw at pagharap sa hamók ang nobela na siyang matutunghayan sa estratehikong paggunita ni Laya sa kanilang mga lumang bahay. Sa akda signipikanteng inilarawan ang ironikal na pamamaraan ni Laya sa kaniyang pagkatha gayundin ang kabuluhan ng pagtawid nito sa bungang-tulog. Muli pa, kapansin-pansin din na ang bisa ng nobela ay ang pagpapatingkad nito sa dalumat ng komprontasyon at ang pingkian nito at ng paglulunggati.

Mahalagang pinapatimon ito sa magbabasa ang kabuluhan ng paglalakbay sa isang lipunang bumabansot sa katutubong pagkatao. Pawang ibinahagi ng nobela ang katotohanang ang kabalighuan ng pagsamba ang maaaring magpamulat sa mga susunod na salinlahi. Isang pagsuhay sa dalumat ng espasyo sa kababaihan ang nobela. Inihahain ng teksto ang dimensyon ng lunggati at panunupil at ang implikasyon ng pakikibaka ng babae sa lipunang batbat ng krisis.

 

Mga Susing Salita : kababaihan, lunggati, panunupil, espasyo, pagsamba

 

 

The article discusses the narrative of desire impelled through the personal testimonial of Laya Dimasupil in the novel Makinilyang Altar. It brings about the discursive desire from the perpetual worshipping of the Makinilyang Altar and its struggles about coming and leaving. Through the seventy-seven journals of her father, Luna Sicat-Cleto shared the underlying principle of the monster she knew who made her realize the ironies of one’s existence. The novel is an absolute flashback and/or a summon of struggles viewed through Laya’s strategic recall about their old houses. The articles significantly elaborates the ironic means of Laya’s writing and the relevance of daydreaming to them. Again, it becomes evident that the novel’s strong points are the way it highlighted the concept of confrontation and the encounter made with longing.   

 

The novel significantly leaves the reader the relevance of having a journey in a society  filled with those who belittles native identity. It shares that the reality and irony of worship may bring consciousness, or perhaps false consciousness, to the next generation. The novel is a support to the idea of space for women. The text as well presents the dimensions of desire and defiance and its implication to women’s struggle in a society filled with crisis.  

 

Keywords: women, desire, creative space, worship, defiance