Ingles at Pedagohikal na Pagganap nito sa Reproduksiyon ng Paggawa
Abstract
Isa sa mahahalagang dahilan ng mabilis na pagkalat ng Ingles noong panahon ng pananakop ng Amerika ang pagiging kondisyon nito para makakuha ng eksamen sa civil service at upang makapagtrabaho sa gobyerno. Mula sa panahon ng Commonwealth hanggang sa mga taong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanatiling nananahang bahagi ng edukasyong tumutugon sa adyendang imperyalista ang Ingles na bahagyang pinahina lamang ng mababang antas ng kalagayang sosyo-ekonomiko at estruktura ng edukasyon at ng pagsulpot ng ilang panahon ng nasyonalismong pangwikang pinangunahan ng estado. Sa nakaraang mga taon, iginiit ng estado at ng ilang pribadong sektor ang muling pagpapatatag sa papel ng Ingles sa edukasyon na anila’y tanging sagot sa dumaraming bilang ng Pilipinong walang hanapbuhay. Matapos suriin ang naging papel ng Ingles sa edukasyon at trabaho sa iba’t ibang kondisyong pangkasaysayan ng bansa, inaargumento ng papel na ito na ang muling pagpapatatag sa Ingles ay isa sa mga sintomas ng pagbigay ng estado at ng nakapangyayaring uri sa mga pagigiit ng neoliberal na pinansiyang global na nakasasama hindi lamang sa pambansang wika kundi maging sa pangkalahatang edukasyon ng bansa.
Mga susing salita: Ingles, politika ng wika, wikang panturo, reproduksiyon ng paggawa, neoliberalismo
English as the primary condition to Civil Service employment during the American colonial period was a crucial factor to the language’s quick spread. During the Commonwealth and the post-war era, it remained as a lasting educational component of the imperialist agenda delayed only by deficiencies in the socio-economic and educational structure and the emergence of several state-led linguistic nationalist phases. In the recent years, there have been renewed state and private efforts to strengthen the role of English in education supposedly in response to the ever-growing local unemployment. The paper, tracing English language’s role in education and employment in various historical conditions, argues that the renewed efforts are mainly responses to market-led reservations and the demands of the neoliberal global finance at the expense of the national language and the country’s general education.
Keywords: English, politics of language, language of instruction, reproduction of labor, neoliberalism