Tungo sa Isang Mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino

  • Jay A. Yacat

Abstract

Nagsimula ang Sikolohiyang Pilipino bilang alternatibong modelo sa namamayaning kalakaran sa sikolohiya sa Pilipinas noong dekada 70. Inilahad sa unang bahagi ng papel ang pinagdaanan ng Sikolohiyang Pilipino (SP) sa landas ng pagsasakatutubo gamit ang balangkas ni Adair (2006): mula pag-aangkat at pagpupunla ng Kanluraning sikolohiya tungo sa pagsasakatutubo at pagbubuo ng SP bilang mas malayang disiplina. Inilarawan kung bakit at paano unti-unting umuusad ang SP tungo sa pagsasarili. Tinalakay din ang iba’t ibang mga tensiyon at pagkakahati-hati sa loob at labas ng disiplina bilang mga sagka sa pagkamit sa katayuan ng SP bilang malaya at nagsasariling disiplina. Ipinanukala na ang pananaw sa SP bilang isang mas inklusibong disiplina ang siyang magbibigay-daan upang makamit ang tunguhing ito. Huli, naglahad ng ilang mga paalala sa mga sikolohista sa kahalagahan ng integrasyon sa loob ng SP.

Mga susing salita: sikolohiyang pilipino, katutubong sikolohiya, pag-unlad sa Pilipinas


In the 1970s, Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology) began as a challenge to the dominant mode of psychology in the Philippines. The first part of the paper discusses SP’s road to becoming an indigenous psychology, following Adair’s (2006) framework: from importation and transplantation of a Western-oriented psychology to indigenization and becoming an autochtonous discipline. The factors that paved the way to SP’s slowly becoming an independent science are also highlighted. Tensions from within and without SP that served as challenges to a more integrative and integrated discipline were also featured. Last, some reminders to Filipino psychologists were forwarded about the importance of integration within the SP framework.

Keywords: filipino psychology, indigenous psychology, development in the Philippines