Sikolohiyang Pilipino sa Ugnayan ng Pahinungod: Pakikipagkapwa at Pagbabangong-dangal ng mga Pilipino
Abstract
Sinasaklaw ng disiplina ng Sikolohiyang Pilipino (SP) o Filipino Psychology ang mga teorya, metodo at aplikasyon nito. Tinatalakay ng papel ang mga pangunahing konsepto ng SP ayon sa mga akda ni Virgilio G. Enriquez, ang kinikilalang Ama ng Sikolohiyang Pilipino. Ipiniprisinta ang Ugnayan ng Pahinungod ng Unibersidad ng Pilipinas bilang halimbawa ng pagsasapraktika ng SP. Sa panghuli, tinukoy ang pagkakaisa ng SP at Ugnayan ng Pahinungod sa pagpapahalaga sa pakikipagkapwa at pagbabangong-dangal ng mga Pilipino.
Mga susing salita: sikolohiyang Pilipino, Ugnayan ng Pahinungod, kapwa, pagbabangong-dangal, boluntarismo
The discipline of Sikolohiyang Pilipino (SP) or Filipino Psychology covers discussion of its theory, methods and application. The paper discusses the core concepts of Sikolohiyang Pilipino based on the writings of Virgilio G. Enriquez, the acknowledged Father of Sikolohiyang Pilipino. It presents the Ugnayan ng Pahinungod of the University of the Philippines as an illustrative example of the practice of Sikolohiyang Pilipino. The paper concludes by pointing to the shared value and practice of pakikipagkapwa and the pagbabangong-dangal of Filipinos, by SP and Ugnayan ng Pahinungod.
Keywords: Filipino psychology, Ugnayan ng Pahinungod, kapwa, pagbabangong-dangal, volunteerism