Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran

  • Manuel Victor J. Sapitula

Abstract

Ang pagsusulat ng mga liham-pangkahilingan (petition) at pasasalamat (thanksgiving) ay isa sa mga pangunahing gawain ng mga deboto sa Pambansang Dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, Lungsod ng Parañaque. Bilang isang tanda ng popularidad ng uri ng debosyong ito, ang Pambansang Dambana ay nakatatanggap ng humigit-kumulang 2,500 na mga liham sa loob ng isang linggo. Sa papel na ito ay itinuturing ang pagiging deboto bilang isang anyo ng pakikipagkapwa. Batay sa malapitang pagbabasa ng mga liham, makikitang tampok sa mga deboto ang pagka-Ina ni Maria na nagdudulot ng isang pakikipag-ugnayan sa isang itinuturing na “hindi ibang tao” at paghingi ng biyaya mula rito. Ang mga dalumat na ito ay makapagbibigay ng mga panimulang kaisipan sa pag-unawa ng kahalagahan ng paniniwala sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng paglulugar ng pagiging deboto sa konteksto ng pagkatao at kulturang Pilipino.

Mga Susing Salita: biyaya, debosyon, kapwa, paniniwala, relihiyong popular

 

The writing of petition and thanksgiving letters is an important acts of the devotees at the National Shrine of Our Mother of Perpetual Help in Baclaran district, Parañaque City. The shrine receives around 2,500 such letters weekly, indicating the popularity of the devotion. In this paper, I regard the devotional relationship as a form of  pakikipagkapwa. A close reading of the letters reveals the deep relationship of the devotees with Mary as a mother-figure, indicating a mode of relationship with hindi ibang tao (near others). This is especially manifested in the devotees’ notions of blessing, which provides conceptual trajectories in assessing the importance of belief in everyday life in ways that appeal of Filipino notions of personhood and culture.

Keywords: belief, blessing, devotion, kapwa, popular religion