Wika at Identidad: Wikang Bikol Bilang Lunan ng Bikolnon, 1890-1956
Abstract
Binabalikan ng maikling sanaysay na ito ang simula ng paglaganap ng nakalimbag na wikang Bikol, ang pagdanas ng mga parasurat na Bikolnon sa naisasapapel, at mas tiyak, sa nakaprint na wikang Bikol, at kanilang pag-oorganisa at pag-oorosipon tungkol sa wikang Bikol. Bibigkisin ng wikang Bikol ang mga parasurat na Bikolnon sa pag-oorosipon tungkol sa kanilang wika bilang tanda ng kanilang pagkakakilanan. Ang iba’t ibang detalye ng pagsasapapel ng wikang Bikol ay magsisilbing mga detalye ng sarili ng Bikol na kinakailangang pagdesisyonan. Lilitaw ang iba’t ibang tanong tungkol sa wika na magdadala sa mga manunulat na Bikolnon sa mismong usapin ng sarili ng Bikol. Ano ang wikang Bikol? Ano ang hindi wikang Bikol? Saan nagmula ang wikang Bikol? Ano ang kinalaman ng wikang Bikol sa wikang Tagalog, wikang Bisaya o wikang Ilokano? Anong letra ang nararapat na maging representasyon ng tunog na [k] sa wikang Bikol? Anu-ano ang mga tunog ng wikang Bikol? Nararapat bang tanggapin ang tunog na [f] sa wikang Bikol? Sa pangkalahatan magmumula ang datos sa sanaysay na ito sa limang pangunahing lathalain sa unang limang dekada ng siglo beinte: Kalendariong Bikol (1920), Sanghiran nin Bikol (1927), ang An Parabareta (1933-1939), ang Bikolnon (1939-1940) at ang Bikolana (1950-1956).
Mga susing salita: wikang Bikol, pambansang wika, wikang Filipino, rehiyonal na wika, Eustaquio Diño, Patricio Janer, Akademyang Bikol, Sanghiran nin Bikol
This short paper traces back the beginning and spread of print media in Bicol, the experience of which in the first half of the twentieth century pushed the Bikolnon writers and readers into an orosipon of the self. The beginning of the twentieth century witnessed the proliferation of publications and the rise of rate of literacy in Bicol. Major writers of the region began to organize and converse around the question of self as symbolized by literature and language. The different details of the Bicol language, specifically print Bicol language, engaged the writers gathering them in an orosipon of the self. The details of the language served as the boundaries of the Bikolnon. Questions like “What is the Bicol language?” What is the origin of the Bicol language?” What is the relationship of the Bicol language to languages like Tagalog, Bisaya or Ilokano?” Which letter should represent the phoneme [k]?’ What are the different phonemes of the Bicol language?” “Is it right to accept the phoneme [f] as a phoneme of the Bicol language?” Five of the major publications in the first half of the twentieth century served as primary sources for this preliminary study: Kalendariong Bikol (1920), Sanghiran nin Bikol (1927), An Parabareta (1933-1939), Bikolnon (1940) and Bikolana (1950-1956).
Keywords: Bicol language, national language, Filipino language, regional language, Eustaquio Diño, Patricio Janer, Bicol Academy