Ang Salitang Dula: Talinghaga ng Di-nasupil na Diwa ng Paglaya

  • Glecy C. Atienza Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

Bahagi ng pagkilatis ng mga tampok na katangian ng dulang Pilipino, inilalatag sa pag-aaral na ito ang dalumat ng salitang dula bilang isang tanda  ng  paggiit ng kasarinlan at pambansang identidad. Sa paglulugar ng salitang dula sa dantaong labingsiyam, isinusulit sa pag-aaral na ito ang pagkilala sa  katangian ng  dulang dinadanas, isinasatunog, isinasalita at ikinikilos at ang ugnayan ng mga pangyayaring pangkasaysayan sa pagkakabansag  dito bilang dula mula sa kinikilalang tula na pinakatampok na tanda ng pag-iral ng dula. Sa pagsisinop  sa kasaysayan, sipi ng mga dulang sedisyoso,mga talasalitaan at paraan ng pagbuo ng mga salitang may kinalaman sa dula, inilalatag ang pagkilala sa gamit ng salitang dula  bilang tanda ng tampok na karanasang geograpikal at  pangkasaysayan  Na nagbibigay ng katangi-tanging kilatis sa dulang Pilipino.

 

Mga susing salita: dula, tula, sedisyoso, salita, tanda, kasarinlan, talinghaga

 

As part of a  continuing search for the distinct qualities of Philippine theater, this study discusses the concepts in the word “dula” as a sign of sovereignity and national identity. In locating the word “dula” in the 1900’s this study observes the qualities of local theater as experience translated into sound,words and actions and the complex historical backdrop leading to the term dula from the word tula  which was then the most distinct mark of theater. Through a critical study of historical events, texts from seditious drama and early poetic texts, vocabulary listing of words related to “dula” , the term is positioned as a fitting mark of the country’s geographical and historical events which has given rise  to the term “dula.”

 

Keywords: theater, poetry, seditious, word, sign, sovereignty, trope