Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino

  • Melania L. Flores Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

Gaya ng isinasaad sa titulo, ang akda ay pagsusumikap ng panimulang pagteteorisa hinggil sa Wikang Pambansa/Filipino (WP/F). Inilalapat ang nasabing pagtatangka sa balangkas ng Pagpaplanong Pangwika na nagsimulang yumabong bilang akademikong larangan noong mga dekada 1960-1970. Bilang akademikong programa, pahapyaw na ipinakilala ang mga antas, dimensyon, proseso at kros kultural na pag-aaral kasabay ng pagpapakilala sa mga polisiya at kaganapang pangwika sa Pilipinas. Sa paghahanap ng kasagutan sa walang katapusang debate sa wika at wikang pambansa, nangangailangan ng mapagkaisa at makabuluhang pilosopiya sa wikang pambansa, tungo na rin sa pilosopiya ng wikang Filipino bilang wikang pambansa. Tinalakay ang katangian, pinagmulan/batayan at gamit bilang mahahalagang aspeto o usapin na sinasagot sa pagbubuo ng pilosopiya. Binabanggit ang katangian ng wikang Filipino na de facto, de jure, nakabase sa mga wika sa Pilipinas at patuloy na payayabungin. Samantala, hindi lamang batayang lingwistikal ang dapat gamitin, mahalaga rin ang mga batayang historikal at antropolohikal sa pagpili o pagpapaunlad ng WP/F. Kapwa mahalaga ang WP/F sa sentimental na gamit sa pagbibigay identidad at dignidad sa pambansang soberanya habang ang instrumental na gamit ay nakatuon sa pagbubuo ng pagkakaisa at mga proseso ng demokratisasyon sa bansa/Pilipinas.

Mga susing salita: pagpaplanong pangwika, pagpaplanong pangwika sa Pilipinas, pilosopiya ng wikang pambansa/Filipino (WP/F), katangian/batayan/gamit ng wikang pambansa

As indicated in the title, the paper is an initial attempt to theorize on the philosophy of the national language and of the Filipino language, as the national language of the Philippines. The entire academic discourse is framed on Language Planning which flourished in the decades of 1960-1970. As an academic discipline, the paper identifies the levels, dimension, processes involved, cross cultural language studies simultaneosly introducing language policies and situation in the Philippines. The paper highlights the need for a unifying and relevant philosophy to respond to continuing debate on the national language and on Filipino as the national language. The paper discusses language characteristics or features, language origin or background and language use as important elements or concerns on the development of a national language philosophy/Filipino language philosophy. De facto, de jure, based on the Philippine languages and will be developed continuously are identified characteristics of the Philippine national language. Linguistical basis is as important as historical and anthropological bases in the selection and development of the national language. Equally important are the sentimental value of providing identity and dignity to national sovereignty and the instrumental use of the language in building national unity and nurturing democratization processes in the country/Philipines.

Keywords: language planning, language planning in the Philippines, philosophy of the national language, philosophy of the Filipino language, Filipino language characteristics/origin or bases/use.