UP Diksiyunaryong Filipino: Sinonismong Walang Hangganan
Abstract
Ang UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF) (2001 at 2010) na pinamatnugutan ni Virgilio S. Almario ay isa sa pinakahuling ambag sa pagbubuo ng monolinggwal na diksyunaryo ng wikang Filipino. Nais ng papel na ito magbigay ng kritikal na perspektiba sa pagkakabuo ng UPDF sa pamamagitan ng kantitatibong analisis ng mga salitang binibigyan nito ng kahulugan at ng istruktura ng pagkakaugnay-ugnay (o kawalan ng pagkakaugnay-ugnay) ng mga entri. Hahantong ang analisis sa isang pangkalahatang pagpuna at obserbasyon sa mga suliranin hinggil sa pagbubuo ng korpus na dapat pinagbabatayan ng UPDF at ng anumang diksyunaryo.The UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF) (2001 at 2010) which was edited by Virgilio S. Almario is one of the latest contributions towards developing a Filipino monolingual dictionary. This paper aims to give a critical perspective on the construction of the UPDF by means of a quantitative analysis of its definitions and the structure of cross-referencing (or lack thereof) of its entries. The analysis concludes with some general critical observations regarding problems of corpus development which should be the basis of the UPDF or any other dictionary.
Mga susing salita/Keywords: Virgilio Almario, synonymy, language corpora, lexicography, self-referentiality