Bayanihan o Kanya-kanyang Lutas? Pag-unawa at Pagplano sa Bakas ng Bagyong Yolanda sa Tacloban

  • José Edgardo Gomez, Jr. Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

Kasunod ng nasaksihang pagkalat ng sari-saring aktibidad-pantulong ng mga banyaga, pagkabigo ng lokal na administrasyon sa inaasahang mabilis na pagdating ng taga-sagip mula sa gobyernong pambansa, at batay din sa rebyu ng tala ng panahon sa Leyte at mga kaugnay na batas at patakaran, ipinapakita nitong saliksik na kailangan pang pabilisin ang koordinasyon ng burokrasyang nasyonal at mga pamahalaang lokal para sa pagtugon sa mga hindi inasahang pagtindi ng kalamidad. Inilalarawan din ng karanasan ng Tacloban na mahalaga ang pagkalap antemano ng impormasyong siyentipiko at magkaroon ng iba’t ibang mekanismo para tumawag ng tulong, bilang paghanda sa paglala ng bagyo. Nagiging input din ang mga ito sa pagdisenyo at pagpili ng ligtas na tatayuan ng mga proyektong pambangon.

Mga susing salita: paghanda sa sakuna, koordinasyon, Tacloban, mga institusyon

Pursuant to the witnessed proliferation of various aid activities by foreigners, the frustration of the local administration at the expected swift arrival of rescuers from national government, and based on a review of Leyte’s weather history as well as related laws and policies, this research shows that there is a need to quicken coordination between the national bureaucracy and local governments in order to respond to unexpected intensification of calamity. Tacloban’s experience also illustrates that it is important to collect scientific information beforehand, and to possess different mechanisms for calling in aid, as a means to prepare for the worsening of storms. These also serve as inputs to the design and selection of safe sites for recovery projects.
Keywords: disaster preparedness, coordination, Tacloban, institutions