Pagsisiyasat sa Elektripikasyon sa Kanayunan

  • Allan Joseph F. Mesina Sentro ng Wika

Abstract

Mahalagang sangkap sa pag-unlad ng kanayunan ang elektripikasyon. Ang pagkakaroon ng elektrisdad ay nagsisilbi upang magkaroon ng malinis na tubig, sanitasyon, epektibong serbisyong pangkalusugan, pa-ilaw, pagpapatakbo ng mga makinarya, transportasyon at komunikasyon ang mga mamamayan. Sa kasalukuyan, mahigit 1.4 bilyong katao ang walang modernong serbiyong pang-enerhiyang natatamasa. Sa Pilipinas naman, mahigit 2.2 milyong kabahayan ang wala pa ring kuryente. Isinusulong ng pamahalaan ni Presidente Noynoy Aquino ang elektripikasyon sa kanayunan bilang isang sangkap ng Millennium Development Goals ng Pilipinas. Ang planong ito ay ginagabayan ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na isinabatas noong 2001. Ang batas na ito ay nagbunsod ng panibagong paradigma sa programang elektripikasyon ng bansa. Ang pagpihit na ito ay kaalinsunod sa bumabalot ng Globalisasyon sa buong mundo Sa pamamagitan ng EPIRA, binigyan ng malaking bahagi ang pribadong sektor sa pagpapalaganap ng kuryente sa kanayunan. Nagbigay diin ang gobyerno sa pagbebenta ng murang Solar Home Systems sa kanayunan sa pag-aakalang dahil mura ito ay yayakapin ito ng mga mamamayan sa kanayunan. Ngunit humarap sa malaking balakid ang pampribadong sektor dahil sa napakaraming pampulitika at pang-ekonomikong dahilan. Halimbawa, ang isyung pangkapayapaan at kahirapan sa kanayunan ay naging malaking usapin sa pagpapalaganap ng elektripikasyon. Upang maging kapakipakinabang kinakailangang bigyang pansin ng programa ang pangkalahatang pag-unlad ng mga mamamayan, tulad ng pagpapatupad ng isang tunay na repormang agraryo at ang paglahok ng maraming sektor sa pagpapaunlad ng mga polisiya at programa.

Mga susing Salita: Elektripikasyon, Kanayunan, EPIRA, Partisipasyon, Solar Home System


Electrification is an important ingredient in development. With electricity, there can be access to clean potable water, sanitation, effective health services, lighting, machineries, transportation and communication. To date, there are approximately 1.4 billion people without access to modern energy services. In the Philippines, more than 2.2 million households have no electricity. President Noynoy Aquino developed an electrification program as part of the country’s Millennium Development Goals. This plan is guided by the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001. The law ushered-in a new paradigm in the expansion of electrification services. The shift forms part of the worldwide shift towards Globalization. Through EPIRA, the private sector became a major partner in the rural electrification program. The government emphasized the marketing of the Solar Home System hoping that its relatively affordable cost will entice people to embrace it. Unfortunately, the program faced hurdles due to political and economic reasons. For example, the issue of armed-conflict and poverty, prevalent in the rural area became a major issue. It is necessary to approach electrification in a holistic development approach to include the implementation of a genuine agrarian reform and the meaningful participation of various sectors in the community to help enhance policies and programs.

Key Words: Electrification, Rural Area, EPIRA, Participation, Solar Home System