Panitikan, Ideolohiya, Rebolusyon: Edukasyon at Pedagohiya sa Pagbasa ng Nobelang Desaparasidos ni Lualhati Bautista
Abstract
Susi ang konsepto ng ideolohiya sa pagkilatis at pagpapahalaga sa anumang likhang-sining. Sa bisa ng ideolohiya, ginagawang sabjek ang indibidwal--sabjek na kumikilos, nagpapasiya, nananagot. Kapwa awtor at guro/estudyante ay nagiging sabjek sa praktika’t institusyon ng ideolohiya. Sa kontekstong historikal, binibigyan ng imahinaryong kalutasan ang mga kontradiksiyon sa lipunan sa balangkas at istruktura ng tula, dula o anumang akda. Sinubukan ang tesis na ito sa analisis ng nobela ni Bautista. Iniugnay dito ang produksyong pampanitikan sa proseso ng tunggalian ng mga uri’t sektor sa neokolonya sa kasalukuyang yugto ng kasaysayang global.Mga susing salita: ideolohiya, kontradiksiyon, sabjek, desaparesidos, komoditi, indibidwalismo.
Ideology functions as a key concept in appraising and judging any work of art. Ideology transforms individuals into subjects--subjects that decide, act and accept responsibility. Authors, teachers, students all become subjects through the apparatus of ideological practices and institutions. In a historical context, social contradictions are resolved illusorily through the forms/structures of poems, plays, or any literary artifice. This thesis is demonstrated in the analysis of Bautista’s novel, linking literary production to the historical process of class struggle in the neocolony at this specific global conjuncture.
Keywords: ideology, contradiction, subject, desaparecidos, commodity, individualism.