Pagpuwing sa Daigdig na Minamatang-Manok: Politika, Estetika, at Poetika ng Espasyo sa mga Dula ni Rolando S. Tinio
Abstract
Layunin ng sanaysay na ito na suriin ang politikang taglay ng mga dulang pantanghalan at pampelikula ni Rolando S. Tinio. Tinalakay din ng pagsusuri ang pag-unlad ng kamalayan ng nasabing mandudula batay sa kaniyang edukasyon at mga impluwensiyang pampanitikan at panteatro. Dagdag pa rito, sinuri rin ang konsepto ng espasyo, usaping pangkapangyarihan, usaping pangkababaihan, at ang usapin ng katawan (body politics) sa mga dula ng nasabing mandudula. Sa huli, inilatag ng pag-aaral ang panukalang rebisyon sa pagsulat ng dula sang-ayon sa ipinamalas na mapanghamong estetika sa mga likha ni Tinio.Mga susing salita: dula, dulang pang-entablado, dulang pampelikula, espasyo, kasaysayang pampanitikan, estetika, Rolando Tinio
This study is an investigation on the politics of Rolando Tinio’s stage plays and produced screenplays. It also tackles the development of the playwright’s consciousness based on his literary education and creative influences. Moreover, the essay studies the concept of space, power, gender, and body politics in Tinio’s plays. In the end, the essay offers a proposed revision on the craft of playwriting based on the challenging aesthetics of Tinio.
Keywords: play, stage play, screenplay, space, literary history, aesthetics, Rolando Tinio