Ang Kababaihan ng Tundo Pagkatapos ng Digma

  • Nancy Kimuell Gabriel

Abstract

Isinasalaysay sa papel na ito kung paano bumangon ang kababaihan ng Tundo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang bandang 1970 bago ideklara ang Batas Militar. Inilalarawan dito ang sitwasyon ng bansa pagkatapos ng gera at ang alaala ng mga taga-Tundo sa kanilang buhay noon. Tinatalakay dito ang pinakamatingkad na alaala ng mga tagaTundo sa panahong ito: ang pagdagsa ng mga migrante mula sa probinsya na nakikipagsapalaran at naghahanap ng mapagkakakitaan. Higit na marami sa kanila ang kababaihan, na namasukan bilang mga katulong sa bahay. Lumuwas sila para tumupad ng mga pangarap at matatagpuan nila ang mga sarili sa mahirap at kadusta-dustang kalagayan ng kababaihang maralita ng lunsod. Nakasentro sa pag-aaral na ito ang karanasan ng kababaihang magkahalong taal at dayo dahil na rin sa katangian ng pook na «silungan» ng lahat ng nagbabakasakali’t nakikipagsapalaran sa Maynila. Tundo ang pinakamalapit nilang sisilungan dahil narito ang tren at daungan. Ang mga maralitang kababaihan ay makikipamuhay sa isa’t isa, at matatagpuan ang mga sariling pinahihirapan ng kawalan ng disenteng tirahan, hikahos na pamumuhay at partikular na suliranin ng kababaihan, ang 5P o pera, pambababae, paglalasing, pagseselos at pananakit (ng asawa), ang dobleng pasanin, double standard, mga problema sa pag-aanak at pagmamagulang. Binabakas din ang kanilang reaksyon sa kalagayan: ang kanilang pagtanggap, pagangkop at paglaban sa kanilang sitwasyon.

 

Mga susing salita: kababaihan, Tundo, urban poor, maralitang tagalunsod, informal sector, migrasyon

 

This paper narrates the condition of Tondo Women after the Second World War (1946) and prior to the declaration of Martial Law. It is a women’s history woven into the history of the place. It is the story of women who originally came from Tondo together with migrant women who settled in the place and claimed Tondo as their own homeland. It is an account of their collective memories on how they got back their lives after the war, during which time the internal migration of women was also at its highest. The women of Tondo, together with the newly arrived migrants found themselves living together and bearing the brunt of poverty while saddled with issues and problems related to their gender. The study exposes the lived experiences, the voices and mentalities of urban poor women who suffered from lack of economic and educational opportunities, housing problems and adequate social services, relational problems with their spouses, double burden, double standard, domestic violence, and reproductive health problems. It also documents the reactions of women to their sad plight, from that of the position of acceptance, to coping up, and actual resistance to their problems.

 

Keywords : Women, Tondo, urban poor, informal sector, migration, post war