Ang mga Nominal Marker ng Filipino at Ivatan

  • Maria Kristina S. Gallego Sentro ng Wika

Abstract

ABSTRAK


Ang mga noun phrase sa mga wika sa Pilipinas ay kadalasang kakikitaan ng pananda bago ang pangngalan. Ang mga panandang ito, kilala sa tawag na determiner o nominal marker, ay mayroong iba’t ibang gamit at porma. Sa
tradisyonal na mga pag-aaral, madalas na pinagtutuunan ang syntactic na gamit ng mga panandang ito (halimbawa ay ang pagmamarka ng syntactic case), subalit kung susuriing mabuti ay hindi sapat ang ganitong pagtingin sa mga nominal marker sapagkat bagaman kakaunti ang porma, marami itong mga gamit na hindi lubos na naipapakita sa tradisyonal na mga terminolohiya. Sa pag-aaral na ito, muling sinusuri ang mga nominal marker ng mga wika sa Pilipinas batay sa distribution at partikular na gamit ng mga ito sa pangungusap. Nakatuon sa dalawang wika ang pag-aaral: Filipino at Ivatan. Natuklasan na bagaman magkaiba ang porma ng mga pananda sa dalawang wika, sumusunod ang mga ito sa magkahalintulad na padron, katulad na lamang ng distribution ng mga pananda sa mga pangungusap (i.e. bilang (1) pananda ng complement ng predicate, (2) bahagi ng predicate, at (3) bahagi ng adjunct katulad ng pang-abay). Ipinapalagay na ang ganitong panibagong pagtingin sa mga nominal marker ay makaaambag sa malawakang diskurso tungkol sa mga katangian ng mga nasabing pananda. Halimbawa, ang paglapat ng ganitong pagsusuri sa iba pang wika ay makatutulong upang magkaroon ng mas malawak at malalim na pag-unawa tungkol sa katangian ng mga pananda sa mga wika sa Pilipinas. Gayundin, malaki ang tulong ng ganitong pananaliksik sa mga mag-aaral ng wika sapagkat naidedetalye ang gamit at pagkakaiba ng mga function word katulad ng mga panandang ito.

Mga susing salita: nominal marker, Filipino,
Ivatan, syntax, komparatibong pagsusuri

 

ABSTRACT


Noun phrases in Philippine languages are typically composed of a noun preceded by an article. Th ese articles, traditionally called determiners or nominal markers, have a number of forms and functions. Studies concerning these particles often focus on the syntactic function of such forms (as markers of syntactic case for example). However, taking a closer look at the behavior of these particles, it can be said that despite having limited forms in the languages, the function these particles play are quite varied. In this study, the nominal markers are re-analyzed based on their function and distribution in the sentence. Th e study focuses on two Philippine languages: Filipino and Ivatan. It was found that despite the surface differences in the two languages, the nominal marking system of Filipino and Ivatan follow a similar pattern and structure, such as the distribution of the markers in the sentence (i.e. as (1) markers of the complements of the predicate, (2) part of the predicate, and (3) part of adjuncts such as adverbs). Studies such as this hopefully contribute to the discussion of the features of nominal markers in general. For instance, expanding the analysis presented here to other Philippine languages provides more information about the characteristics of the Philippine nominal markers. Moreover, a detailed analysis of the nominal markers in specific languages is advantageous for students and language learners because the precise usage and the minute differences of these oftentimes confusing function words are comprehensively explained.


Keywords: nominal markers, Filipino, Ivatan,
syntax, comparative analysis

Published
2016-02-05