Ang Patakarang Bilinggwal sa UP

  • Salvador P. Lopez Sentro ng Wika

Abstract

ABSTRAK

Ang intitusyon ng edukasyon ang siyang naglalatag ng mga kaisipang nagsusulong sa intelektwal na gamit ng wika bilang wika ng pagkatuto. Sa ganito, nagkakaroon ng tunguhin ang isang institusyon na maging ganap ang panloob at panlabas na gamit ng wika.   

Ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) bilang pangunahing institusyong pang-edukasyon na nagpapanday sa galing ng mga pinakanatatanging mag-aaral sa bansa ang siyang nagsusulong sa halaga at gamit ng wika, hindi lamang bilang isang kurso na gamit sa komunikasyon kundi bilang isang midyum sa pagkakaintindihan sa paglawak ng mas maunlad na kaalaman sa iba’t ibang larangan tulad ng agham at medisina, matematika at iba pang larangan. Sa wika ng kasalukuyan, malayo ang narating ng ganitong pagyabong ng kaisipan, kabilang ang pagsulong ng bilinggwal na wika sa lahat ng larangan ng posibilidad ng gamit ng dalawang wika sa iisang layunin ng mataas na antas na pagkatuto.

Kung sa tunguhin ng Unibersidad ay napapanday ang mahuhusay na mag-aaral na gagabay sa sususunod na henerasyon gamit ang sariling diwa ng sariling wika sa intelektuwal na pagkatuto, hindi malayo na ang hadlang sa kondisyong naghihiwalay sa gamit ng wika at mas mataas na antas ng intelektuwal na pagkatuto sa lahat ng sangay ng kaalaman, ay hindi na magiging usapin pa.

 

ABSTRACT

Educational institutions are responsible for advancing ideas that promote the intellectual use of language as the language of learning. In these circumstances, the institution adopts the objective of developing the internal and external functions of language.

The University of the Philippines (UP), as the primary educational institution in the country which forges the skills and talents of the finest Filipino students, serves as the prime mover in promoting the value of language and of language use, not only as a course subject for communication but also as the medium for a broader understanding of the advanced developments in various disciplines such as Science and Medicine, Mathematics and others. This kind of framework for language use has achieved widespread success in the advancement of knowledge, alongside the promotion of bilingualism in all fields where it is possible to use two languages for the singular objective of attaining a higher level of learning.

If the University is successful in its objective of shaping talented and capable students who will guide the next generation in deploying meanings derived from their own language in intellectual learning, the barriers that separate language use and higher levels of intellectual learning in all disciplines will no longer be an issue. 


Published
2016-02-22