Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan
Abstract
ABSTRAK
Ipinaliliwanag ang pagkakaiba ng mga punto de bista i. e. pananaw bilang lapit na ginamit ng mga naunang nagsagawa ng paglilinang sa pag-alam at pag-aaral sa kabihasnan at pangkalinangang pambansa ng Pilipinas.
Binigyang depinisyon ang “Pantayong Pananaw” bilang isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na nakabatay sa “panloob na pagkakaugnay-uganay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin (values), kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika; ibig sabihin sa loob ng isang nagsasariling talastasan / diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan. Isang reyalidad ito sa loob ng alin mang etnolinggwistikong grupo na may kabuuan at kakanyahan sa atin, at sa iba pang dako ng mundo.”
“Pangkaming Pananaw” ang nagawa ng hanay ng mga Propagandista tulad nina Rizal, Luna atbp. bilang pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan natin. Ang kausap nila sa kanilang mga nilalathala ay ang mga banyaga—partikular ang mga kolonyalistang Kastila. Ang mga Kastilang ito na pinapaniwala ang mga indio na sila ang nagdala ng ‘kaliwanagan’ sa atin (bunga ng relihiyon) at utang natin ito sa kanila dahil tayo daw ay mga barbaro at walang sariling sibilisasyon, kung hindi pa sila dumating dito sa atin.
Mga edukado sa kaalaman ng liberalismo mula Europa ang mga Propagandista at mahusay mag-Kastila, kaya’t karaniwang sa Kastila nila sinusulat ang kanilang mga likha. Ang pangkaming pananaw ang isa sa iniiwasan na mangyari sa suhestyon na metodo ni Salazar, sapagkat para makabuo ng isang metodong nagsasarili, mainam na umpisahan ang paglilinang sa mismong taga-loob.
ABSTRACT
[The theory] explains the differences in points of view, i.e. perspective as proximity, used by the scholars who had pioneered the development of research methods in the study of Philippine civilization and national development.
“Pantayong Pananaw” (The “We” Perspective) is defined as a method of acknowledging the history and development of the nation based on the “internal interconnectedness and linking of characteristics, values, knowledge, wisdom, aspirations, practices, behavior, and experiences as a unified whole” — a unity that is framed by and expressed in a single language; that is, within an autonomous, self-directed discourse of progress and civilization. This is a reality within any ethno-linguistic group, among us or anywhere in the world, with a singular wholeness and identity.
“Pangkaming Pananaw” (The “This is Us” Perspective) was the view that Propagandistas like Rizal, Luna and others deployed in their cultivation of the nation’s civilization. Their works addressed a foreign audience — particularly the Spanish colonizers. These Spanish colonizers were the ones who had made the Indios believe that they were the harbingers of enlightenment to our people (because they had brought us the Christian religion), and that we owed our development to them for we would have remained uncivilized barbarians had they not arrived.
The Propagandistas were well-versed in European notions of liberalism and the Spanish language, which was why they often used Spanish in writing their works. However, Salazar advises against the use “Pangkaming Pananaw” as a research approach or method, for in order to produce a self-reflexive methodology, it would be prudent to start the process of cultivation from the inside, first and foremost.