Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino
Abstract
ABSTRAK
Ang parametrong “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino” ay isang pamamaraan para sa mas malapit na pagkilala at pag-aaral ng pagkataong Pilipino sa disiplinang Antropolohiya. Ito ay tungo sa mas lapat na pagsasalarawan sa pagkataong Pilipino na nakaayon sa konteksto ng sariling kultura — na isang hakbang na paghahawan ng mga disiplinang kaugnay sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino.
May mga salik na bumubuo sa pagkataong Pilipino na mauunawaan sa pamamagitan ng pagbabaklas ng mga parte na bumubuo sa “pagkataong Pilipino”, na batay sa kultura, paniniwala at kinagawian ng mga Pilipino, o “Kaalamang Bayan”.
Sa pamamagitan ng konseptong “Metapora ng Katawan at Banga” malilikha ang isang sistema o teorya tungkol sa “Pagkataong Pilipino” at “Katauhan ng Pilipino”—na maihahalintulad sa isang “banga” na may “Labas, Loob, at Lalim”.
Sa pamamagitan ng teorya ng “Tambalan ng Loob at Labas”, maipapaliwanag ang “pagkataong Pilipino” batay sa iba’t-ibang parte ng katawan na magkakapares tulad ng (1) Mukha at Isipan; (2) Dibdib at Puso; (3) Tiyan at Bituka; (4) Sikmura at Atay.
Ang panghuli ay ang “Lalim”, na tumatalakay sa tambalan ng (5) Kaluluwa at Budhi.
ABSTRACT
The parameter “Folkloric Analysis of Filipino Personhood” (Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino) in Anthropology is a method which provides a closer way of recognizing and studying the unique features of Filipino personhood. It is geared towards a more situated description of Filipino personhood as it is located within the Filipino cultural context — a step towards clearing away disciplines linked with Filipino Psychology.
Various aspects of Filipino Psychology can be understood by deconstructing the parts that make up the “Filipino Personhood”; this deconstruction must be based on the culture, beliefs and practices of the Filipino people, or “Folk Knowledge”.
By using the “Metaphor of the Human Body and the Jar” (Metapora ng Katawan at Banga), it is possible to create a system or theory about “Filipino Personhood” and the “Filipino as a Person” — which can be likened to a “jar” that has an “Exterior, Interior, and Depth” (“Labas, Loob, at Lalim”).
Through the theory of the “Partnership between the External and Internal parts” (Tambalan ng Loob at Labas), Filipino personhood can be explained based on the different parts of the human body that work in tandem with each other, like (1) the Face and the Mind; (2) the Chest and the Heart; (3) the Belly and the Guts; and (4) the Stomach and the Liver.
Lastly, Depth explains the tandem of (5) the Soul and the Conscience (“Budhi”), or a person’s moral sensibilities.