Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino
Abstract
ABSTRAK
May kapangyarihang nakapaloob sa panitikan bilang isang proseso ng pagpukaw ng kamalayan ng tagatanggap ng mensahe nito. May tatlong salik dito na nagbibigay ng timbang sa prsosesong ito: (1) salita; (2) makata bilang taga-ayos ng mga salita para sa kanyang nais na ipabatid; at (3) madla o tagabasa bilang tagatanggap ng mensahe ng panitikan.
Ang nakakapagpangyari sa kapangyarihan gayunman ay ang mga mambabasa o ang madla. Ginamit ni Lumbera ang pagsusuri sa tatlong akda bilang paglilinaw dito.
Napukaw ang mga Pilipinong Rebolusyonaryo ng 1896, ang awit na “Jocelynang Baliwag” (orihinal na awit para sa isang dalaga sa Baliwag, Bulacan) kaya’t hinirang nila ito na Kundiman ng kanilang pakikipaglaban. Nagtugma ang kanilang sariling kamalayan, danas at pananaw-mundo sa awit na ito.
Sa tulang awit ng pag-ibig na Florante at Laura ni Francisco Balagatas, nang nabasa ito ni Rizal, ay nagkaroon ito ng isa pang pagpapakahulugan. Sa kanyang malay na pagbasa, ang kasawian sa pag-ibig ng dalawang nag-iibigan ay naiugnay sa malungkot na kundisyon noon ng mga Pilipino. Marahil ang intensyon ni Balagtas ay mapatunayang kaya ng isang Pilipino na pumantay sa mga bantog na makata sa Europa, subalit sa pagbabago-bago ng panahon ng konteksto ng kanyang akda, umaayon din ang kahulugan nito sa pagbabago ng kamalayan ng mga taong bumabasa.
Ang tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado V. Hernandez ay naging sentral na akdang pumukaw sa mga kabataang aktibista na Kabataang Makabayan(KM) ng dekada 60-70, gayong isinulat ito ng lumaban bilang pagtuligsa sa balatkayo at imperyalistang pamumuno ng mga Amerikano noong 1930.
ABSTRACT
There is a power that resides within literature as a process of awakening the consciousness of its intended audience. There are three factors that give weight to this process: (1) language, (2) the author as the composer and arranger of words to convey his or her intended message, and (3) the public or the readers as the receivers of the message.
However, the power of literature is enabled through the readers or the public. Lumbera explains this using the analysis of three samples of literature
The Filipino Revolutionaries of 1896 had been inspired by the song “Jocelynang Baliwag” (Jocelyn of Baliwag, a song originally dedicated to a young lady from Baliwag, Bulacan), so much so that they hailed it as the love song of the revolution. Their consciousness, experiences and world-view coincided with the song's message.
Rizal, in reading the lyric poem of the love story “Florante at Laura” (Florante and Laura) by Francisco Balagtas, managed to produce new meanings of the work. Through Rizal’s politically-conscious reading of the piece, the misfortune experienced by the lovers paralleled the miserable conditions of the Filipinos under the Spanish rule. Balagtas may have simply intended to prove that a Filipino poet like him could stand on equal ground with the renowned poets from Europe, but because time changes the context within which his work exists, the interpretations and meanings derived from it change alongside the changing of consciousness of its readers.
The poem, “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan" (If Your Tears Ran Dry, My Country) by Amado V. Hernandez became a central literary piece that inspired the youth activist group Kabataang Makabayan (Patriotic Youth) in the 60s and 70’s decades, even though it was originally written to challenge the deceitful imperialist governance of the Americans in the 1930s.