Ang Wika bilang Instrumento ng Pambansang Pagpapalaya

  • Randy S. David Sentro ng Wika

Abstract

ABSTRAK

Higit pa sa pagkilos tungo sa pagpapalaganap ng sariling wika ang susi sa pambansang pagkabihag. Bukod sa tunay na may tiyak na malaking papel sa proseso ng panlipunang pagpapalaya ang wika, ay maiuugat rin ang suliranin sa pambansang pagkabihag bunga ng kawalan ng pagpapahalaga sa sariling kakayanan bilang isang bansa. Maisisi ito sa palagiang pag-asa at pagtitiwala sa dayuhan. Bunga ng “imperialismo”—ito ang bumihag at umalipin, bumusabos at bumura sa katauhang Pilipino na nagdudulot ng pagkabansot ng pag-unlad ng bansa.

Kabilang sa mga salik panlipunan na naapektuhan nito ay ang wika, mga gawaing artistiko, paghawak at paggamit ng kapangyarihan, ang pagkamit at pagpapakita ng karunungan, at maging ang ating pagdispley ng karangyaan at kasaganaan. Ang mga ito ang nakapagpaisantabi sa sariling pambansang kalinangan, tuloy naging sintomas ito ng pagkabansot – kawalan ng kakayahan at kapangyarihan, kamangmangan, pagkaatrasado sa kultura, kababaan ng pinag-aralan, o sa madaling salita ay ang imperyoridad sa lahat ng bagay.

Ang pagkilos ukol sa Nasyonalismo at ang paniniwalang susi sa pagpapalaya ang wikang pambansa — bilang wika ng mas nakararami, ang wika ng masang Pilipino — ang  mga ito ang  magsisilbing instrumento tungo sa ganap na paglaya.

 

ABSTRACT

The key to breaking the chains of national enslavement requires more than just the movement to advance the Filipino language. While it is a fact that language has a large role in the emancipation of society, the root of the problem can also be traced to the Filipinos’ undervaluing of their own capabilities as a nation. This can be blamed on a persistent dependency on and trust in other nations. A result of “imperialism,” this is what has imprisoned, enslaved, and erased Filipino identity, which in turn has stunted the development of the nation.

Among many social facets affected by this condition are language, creative practices, approaches to the use and control of power, methods of knowledge acquisition and exposition, and even ways of displaying personal luxury and affluence. These have caused Filipinos to exclude and set aside national cultivation and have thus become symptoms of the stunted growth of the nation — our lack of ability or power, ignorance, cultural backwardness, low levels of literacy, or, in a nutshell, our inferiority in all aspects.

The Nationalist Movement and the belief that the national language — as the language spoken by the majority and the language of the Filipino masses — holds the key to national emancipation will serve as the instruments for the attainment of genuine freedom.

Published
2016-02-22