Ang Dialect Area ng Bikol-Sorsogon: Isang Paunang Suri
Abstract
ABSTRAK
Iba’t ibang variety ang sinasalita sa probinsiya ng Sorsogon. Bagaman ‘Bikol’ din ang tawag ng mga taga-Sorsogon sa kanilang sinasalita, tulad ng sa buong rehiyon ng Bikol, alam nilang magkakaibang Bikol ang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya. Layon ng papel na ito na tingnan ang internal na relasyon ng mga variety ng Bikol na sinasalita sa probinsiya. Ang basehan ng paghahambing ay 135 mga salita ng variety ng Pilar, Castilla, Sorsogon, Bacon, Gubat, Juban, Magallanes, Irosin Sta. Magdalena, at Matnog. Batay sa nabuong pattern ng isogloss, sa bilang ng pagkukumpulan ng mga isogloss, maging sa bilang at porsiyento ng magkakatulad at magkakaibang porma ng mga salita sa iba’t ibang variety na pinag-aralan, makikita ang paghiwalay ng Pilar sa ibang mga variety. Karagdagang ebidensiya rito ang pagkakaroon ng tunog na [L] at [ə] sa variety na ito, kawalan ng [h], at ang pagkakaiba ng posisyon ng [ʔ] dito kung ikukumpara sa ibang variety. Lumitaw rin mula sa datos ang pagkakatulad ng Bacon at Magallanes; ng Gubat, Irosin, Sta. Magdalena, at Matnog; at ng Sorsogon, Castilla, at Juban.
Sa mga sinuring salita, nagkakaiba naman ang mga variety sa sumusunod: (1) pagkakaroon ng hindi cognate o hindi magkahawig ang porma at kahulugan; at (2) pagkakaroon ng pagkakaiba sa diin o haba ng patinig, pagdagdag o pagkaltas ng tunog o pantig, pagkakaiba sa isang patinig o katinig, at metathesis (pagkakapalit ng ayos ng mga tunog o pantig sa loob ng salita) sa mga salitang cognate (magkahawig ang porma at kahulugan).
Mga susing salita: dialectology, dialect, variety,
Bikol, Sorsogon
ABSTRACT
Although Sorsogon natives use the term ‘Bikol’ to refer to the language variety they use, similar to the situation in the whole Bicol region, they are aware that different varieties of Bikol are spoken in different parts of the province. This paper aims to look at the internal relationship of the varieties of Bikol in the province of Sorsogon. A total of 135 lexical items from the varieties of Pilar, Castilla, Sorsogon, Bacon, Gubat, Juban, Magallanes, Irosin Sta. Magdalena, and Matnog were analyzed. Based on the patterns and bundles of isogloss that emerged, and on the number of percentage of similar and different forms found in the different varieties under investigation, Pilar is seen to move away from the rest of the group. The sounds [L] and [ə] are present in Pilar, while [h] is absent. In addition, the position of [ʔ] in Pilar is different compared to the other varieties. The data also reveal the similarity between Bacon and Magallanes; among Gubat, Irosin, Sta. Magdalena, and Matnog; and among Sorsogon, Castilla, and Juban.
In addition, lexical items of the different varieties show the following differences: existence of noncognate forms (difference in form and meaning); difference in stress or length of a vowel, addition or deletion of a sound or syllable, difference in one vowel or consonant, and metathesis (change in the order of sounds or syllables within a word) among the cognate forms (similar in form and meaning).
Keywords: dialectology, dialect, variety, Bikol,
Sorsogon