Panitikang Rehiyonal at ang Pagsasaling Pampanitikan sa Filipino sa Kanlurang Bisayas: Tuon sa Dalawang Akda ni Magdalena Jalandoni
Abstract
Haka ng papel na ito na hindi neutral ang katawagang “rehiyonal” at palagi’t lagi dala-dala nito ang politika ng wika sa isang bansa at ang pangyayaring pagpapasasantabi ng diskursong pambansa sa diskursong rehiyonal. Sinuri ng papel kung paanong naisantabi ang panitikan mula sa Kanlurang Bisayas sa mga pagsasaling ginawa mula sa Hiligaynon tungo sa Filipino sa dalawang nalathalang salin ng akda ni Magdalena Jalandoni, ang tulang “Gitara” at maikling kuwentong “Si Anabella.” Itinanghal ang pagsasadiskurso ng kritikal na pagdulog sa pagsasalin—ang literal, malaya, at malikhaing pagsasalin—bilang alternatibo sa tradisyonal at madulas na pagsasalin.
Mga susing salita: Panitikang rehiyonal, Panitikang Pambansa, Panitikang Hiligaynon, Hiliganized Filipino, Literal na pagsasalin, Malaya at malikhaing pagsasalin
This paper theorizes the non-neutrality of the word “regional” and forwards the idea that it carries with it the nation’s language politics and act of marginalization of regional discourses. The paper examines how the literatures of West Visayas are marginalized in the translation works from Hiligaynon to Filipino of two published works of Magdalena Jalandoni, the poem “Gitara” (The Guitar) and the short story, “Si Anabella” (Anabella). The critical approach in translation—the literal and creative—is critically foregrounded as an alternative to the traditional and “soft” translation.
Keywords: Regional Literature, Philippine Literature, Hiligaynon Literature, Hiliganized Filipino, Literal Translation, creative translation