Humanismo, Eksperimental na Pagsusulat, at mga Relasyon ng Kapangyarihan

  • U Z. Eliserio

Abstract

Ang papel na ito ay eksplikasyon ng antihumanistang pilosopiya ng neo-marxistang si Louis Althusser. Sa pagbibigay ng mabusising pagbabasa ng kaniyang Para kay Marx at Pagbabasa ng 'Kapital,' mailalatag ang ideolohikal na panganib ng humanismo. Ipapaliwanag na mayroon ding kamalayan ang mga Filipinong intelektuwal na sina Michael Andrada, Adam David, at Erlinda Alburo sa alternatibong diskursong mas produktibo kaysa humanismo, na kanilang naipapamalas sa pamamagitan ng kanilang poetika, panunuring pampanitikan, at malikhaing gawa. Ang lumalabas sa diskusyon ay hindi simpleng aplikasyon lamang ng banyagang teorya kundi awtentikong diyalogo.

 

Mga susing salita: antihumanismo, neo-marxismo, eksperimental na pagsusulat, estruktura, kapangyarihan

 

 

 

Abstract

 

This paper is an explication of the anti-humanist philosophy of the neo-marxist Louis Althusser. With a close reading of his books For Marx and Reading 'Capital', the ideological danger of humanism is exposed. Filipino intellectuals Michael Andrada, Adam David, and Erlinda Alburo as well have a knowledge of alternative discourses that are more productive than humanism, that they practice in their poetics, literary criticism, and creative works. The discussion is no mere application of foreign theory but an authentic dialogue.

 

Keywords: anti-humanism, neo-marxism, experimental writing, structure, power

Published
2017-09-14