Bigwas sa Neoliberalismo, Alternatibo sa Kapitalismo: Adbokasing Pangwika at Sosyalistang Programa sa Nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez

  • David Michael M. San Juan

Abstract

Sa gitna ng pangingibabaw ng neoliberalismo sa maraming bahagi ng mundo, patuloy na ipinatutupad ng mga gobyernong neo liberal ang mga polisiyang nagpapahirap sa nakararaming mamamayan gaya ng pagtitipid sa serbisyong panlipunan, pribatisasyon ng pag-aari ng Estado, at istagnasyon o kaya’y pagbabawas ng sahod/suweldo ng mga manggagawa. Nananatiling dominanteng sistemang ekonomiko ang kapitalismo, sa kabila ng pagsambulat ng internasyunal na krisis noong 2008 na naglantad sa napakaraming suliraning kabuhol ng pagbibigay-priyoridad sa tubo sa halip na tao, sa korporasyon sa halip na komunidad, at sa kapritso ng iilan sa halip na pangangailangan ng nakararami. Sa ganitong diwa, malaki ang pangangailangan na humanap ng mga alternatibo sa neoliberalismo at kapitalismo. Ang artikulong ito’y ambag sa pangkalahatang pagsisikap na itaguyod ang sosyalismo bilang alternatibo sa kapitalismo, sa pamamagitan ng kontekstuwalisasyon ng magkaugnay na adbokasing pangwika at sosyalistang programa sa nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez, isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ng Pilipinas.

 

Mga susing salita: kapitalismo, sosyalismo, pagpaplanong ekonomiko, adbokasing pangwika, neoliberalismo

 

 

Amidst the dominance of neoliberalism in many parts of the world, neoliberal governments continuously implement policies that impoverish the majority of citizens, like cutting the budget for social services, privatization of State properties, and stagnation or reduction of workers’ wages/salaries. Capitalism persists as the prevailing economic system, despite the 2008 international crisis that exposed the myriad of problems associated with prioritizing profits over people, corporations over communities, and the luxury of the few over the needs of the many.  In view of this, there is an urgent need to seek alternatives to neoliberalism and capitalism. This article is a contribution to the collective endeavor to promote socialism as an alternative to capitalism, through the contextualization of the related language advocacy and socialist program in the novel Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey) written by Amado V. Hernandez, a Philippine National Artist for Literature.

 

Keywords: capitalism, socialism, economic planning, language advocacy, neoliberalism

Published
2017-09-14