Katutubong Wika at Dalumat ng Bansa, ayon kay Simoun ni Rizal

  • Apolonio B. Chua

Abstract

Malawakang layon ng artikulo ang paglilinaw at pagtalunton sa pagkalinang ng mga wika sa buhay ni Rizal. Mula Tagalog na kaniyang unang wika tungong pagkatuto sa mga wikang Europeo, sasalungguhitan sa artikulo ang mga datos ng mayabong na produksiyon ni Rizal sa wikang Kastila, at ang pagkatuto niya sa wikang Aleman; bagamat higit na papahalagahan ng pag-aaral ang hindi niya pagtalikod sa katutubong wika. 

                

Lubhang bibigyan-diin at siyang pangunahing tutok sa pag-aaral ang isang bahagi ng El Filibusterismo (1891), kung saan ipinahayag ng tauhang Simoun na hindi magiging pambansang wika ang Espanyol ng Pilipinas, kasabay ng panawagang linangin ang sariling katutubong wika kaugnay sa pagtatatag ng bansa. Ang magkaakibat na ugnayan ng paglinang sa katutubong wika sa dalumat ng bansa sa mga diyalogo ni Simoun habang kausap si Basilio ang pinakaubod na datos sa kasalukuyang papel. Partikular na layon ng pag-aaral na pangatwiranang rurok sa re-presentasyon ni Rizal sa lipunang kaniyang sinusuri ang patunguhan nitong espasyo ng kabansaan.  Sangkot din ang tatlong pananalinghaga ni Rizal sa kasalukuyang pag-aaral, una ang pananalinghaga ng may karamdamang sanggol sa baitang ng templo, pangalawa ang higit na pamosong talinghaga ng sirang hulmahan, at pangatlo ang talinghaga ng mga nagkalat na bato sa ilang, imbes na maging bahagi ng dakilang gusali.

Ipinagpapalagay sa kasalukuyang pag-aaral ang predictive na katangian ng realismo sa pagtukoy sa tatahakin ng sinusuring lipunan, ang kabansaan bilang asinta at tahak ng sunod na henerasyon.

 

Mga susing salita:  wikang katutubo, bansa, bisyon ni Rizal ng kabansaan, predictive na katangian ng realismo, talinghaga

 

Rizal’s life is intertwined with issues of languages.  From Tagalog, his mother tongue to learning European languages, the article underlines his prolific production in Spanish, and his learning German. But more important, the article argues Rizal never abandoned his native tongue, and continued to define its relevance.

Emphasis is given to a portion in El Filibusterismo where Simoun emphatically argued Spanish will never be a national language of the Philippines. In the same dialogues, Rizal called for the launching of the nation together with developing native languages.  This development of nation and indigenous language embedded in the conversation between Simoun and Basilio serves as core data for the article.  Rizal’s re-presentation and analysis of his society climaxes to a definition of a future space, and that is the space of the nation.   Also included in the presentation are three metaphors:  first, the metaphor of a sick child exposed on the steps of a temple, the mother seeking good advice from passersby; second, the more popular metaphor of a defective mould, and third, the metaphor of stones scattered in the field, instead of being parts of a noble edifice.

The predictive power of literary realism is demonstrated in Rizal’s target and quest and plea, nation building for and by the next generations.  

 

Keywords:   Native language, mother tongue, nation, vision of nation, predictive power of literary realism, metaphor

Published
2017-09-14