Sinong Pasimuno?: Paggamit ng Subject at Topic sa Pag-aaral ng Wika
Abstract
Sa kasaysayan ng paggamit ng mga termino na pantukoy sa bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan, matatagpuan ang mga salitang simuno at paksa. Sa Ingles, ang simuno ay isinasalin sa subject habang ang paksa naman ay topic. Sa pangkalahatang lingguwistiks, ang dalawang terminong ito ay kumakatawan sa dalawang magkaibang entidad. Sa mga pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas, ang mga pagsasalarawan at pagpapaliwanag sa dalawang terminong ito ay nagdulot ng kalituhan sa mga mananaliksik.
Titingnan sa kasalukuyang papel ang mga pag-aaral sa wikang Tagalog at kung paano isinalarawan ang subject at topic. Sa pamamagitan ng pangunang pagsusuring ito, makikita ang mga salik na nakapag-ambag sa kalituhan sa paggamit ng subject at topic. Sa pagkilala ng mga salik na ito, inaasahang makatulong ang papel na ito sa mga mananaliksik ng mga wika sa Pilipinas na mawala ang kalituhan sa paggamit ng mga terminong subject at topic.
Mga susing salita: subject, topic, lingguwistik na termino, Tagalog, lingguwistika sa Pilipinas
In the history of the usage of terms used to refer to that part of the sentence that is being talked about, we find the terms simuno and paksa. In English, the term simuno is translated to subject, while paksa is translated to topic. In general linguistics, these two terms represent two different entities. In Philippine linguistics, the definitions and explanations of these two terms triggered confusion on researchers.
This paper looks into several linguistic studies done in Tagalog and takes into account how the terms subject and topic are characterized. Through this preliminary investigation, the paper will be able to draw attention to the factors which contributed to the muddled perception of subject and topic. By identifying these factors, this paper hopes to aid scholars in eliminating possible confusion about subject and topic when writing about languages of the Philippine.
Keywords: subject, topic, linguistic terms, Tagalog, Philippine linguistics