#ingrata at si Mary Jane Veloso: Mga Bakas ng Trolling sa Spreadable Media

  • Vladimeir B. Gonzales

Abstract

Binabasa ng papel ang aktibidad sa social media kaugnay ng reprieve kay Mary Jane Fiesta Veloso, isang Overseas Filipino Worker na nakulong sa Indonesia noong 2010 at itinakdang bitayin noong 29 Abril 2015. Partikular na papansinin ang pagsulpot ng hashtag na “ingrata” na ikinakabit kay Mary Jane at sa kaniyang pamilya pagkatapos silang magpahayag ng mga puna sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, kaugnay ng ambag niya sa reprieve na iginawad ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia kay Mary Jane. Tatalakayin sa papel ang mga pananaw kaugnay sa spreadable media, gayon din ang ugat at mga katangian ng trolling. Susuri ng tweets gamit ang computer-aided social media analytics upang mailarawan ang mga mekanismo at politika sa pagkakahon sa pamilya Veloso bilang “ingrata” o walang utang na loob.

Mga Susing Salita: Social Media, Wika at Kultura (Language and Culture), Spreadable Media, Computer-aided Analysis, Mary Jane Veloso, Wika at Pulitika (Language and Politics).

 

The paper proposes a reading of social media entries related to Mary Jane Fiesta Veloso--an Overseas Filipino Worker who was arrested for alleged drug trafficking in Indonesia on April 2010, and was granted a reprieve from execution on 29 April 2015.  The paper uses concepts drawn from Gabriella Cole’s study on trolling and Henry Jenkins’ notion of spreadable media to interpret the shift in social media response to Veloso’s reprieve—from the initial tweets and other entries of support to statements of hate marked by “ingrata” and other related hashtags.  Computer-aided social media analytics was also featured as tools for mapping patterns in social media trends that can be useful in understanding the culture of trolling and social media in a particular issue, political administration, and/or society.

KeywordsSocial Media, Language and Culture, Computer-aided Analysis, Mary Jane Veloso, Language and Politics

 

 

Published
2017-09-14