Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
Abstract
ABSTRAK
Pangunahing layunin ng deskriptibong pag-aaral na ito na makabuo ng isang mungkahing akademikong modelong pangwika batay sa isinagawang pagsusuri sa kalagayan ng programang Filipino sa labintatlong pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa Rehiyon III. Gumamit ng metodong triyangulasyon para sa pag-aaral kung kaya’t ang mga nakalap na datos ay dumaan sa isang masikhay na pag-aaral, paghihimay sa bawat bahagi at pagsusuri sa kabuuang lawak at antas ng paglalarawan na siyang nagsilbing landas sa pagbuo ng isang mungkahing akademikong modelong pangwika. Natuklasan na walang pormal, malinaw, at tiyak na patakarang pangwika na ipinatutupad sa bawat pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa Rehiyon III. Mula rito, nabuo ang isang mungkahing akademikong modelong pangwika na magbibigay-linaw sa patakarang pangwika sa apat na tunguhin at sa iba pang gawain ng mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo at maging sa mga gawaing ko-kurikular o ekstra-kurikular. Ang mga pangunahing yugto nito ay kinapapalooban ng pagpaplano, disenyo ng patakarang pangwika, konsultasyon at diseminasyon, implementasyon, at ebalwasyon. Gayumpaman, masasabing walang mga modelo at patakaran ang makapagbibigay tuldok sa patuloy na pag-aaral at pagsasakatuparan ng mga programang pangwika.
Mga susing salita: Pagpaplanong Pangwika, Patakarang Pangwika, Akademikong Modelong Pangwika, Programang Filipino, mga Gawaing Kurikular at Ko-kurikular
ABSTRACT
This descriptive research aimed to develop a proposed academic language model that was based on the results of the analysis of the status of the Filipino Language Program of the 13 State Universities and Colleges in Region III. Using the triangulation method, the data on both curricular and co-curricular areas were analyzed which were geared towards the development of an academic model in Filipino. It was found out that there is no coded or formal document about the language policies imposed in each state institution in the region. With this premise, an academic language model anchored on the four thrusts: instruction, research, extension, and production as well as curricular and co-curricular activities of an institution was developed. The major phases of the said model include language planning, language policy design, consultation, dissemination, implementation, and evaluation. Conclusively, there can be no language model that can terminate scholars’ continuous attempt to realize different language programs.
Keywords: language planning, language policies, academic language model, Filipino language program, curricular activities, co-curricular activities