Saysay ng Kasanayan: Pagbuo ng identidad sa arnis o eskrima
Abstract
Abstrak
Ang akdang ito ay magbibigay ng maiksing paglalarawan sa sining ng arnis o eskrima na kilala rin sa tawag na Filipino Martial Arts o FMA na kasalukuyang ineensayo na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo tulad sa Estados Unidos at Europa. Nauunang natututunan ng isang arnisador ang paggamit ng baston o sandata bago maturuan kung paano gamitin ang mga natutuhang galaw sa tinatawag na “empty hands techniques” o ang pamamaraan ng pagtatanggol sa sarili kung saan hindi gagamit ng anumang sandata tulad ng baston.
Hango sa karanasan ng may-akda sa sistema ng arnis o eskrimang natutuhan, ipapakita sa papel na ito ang mga pangunahing konseptong humuhubog sa galaw ng katawan at sa pagmanipula sa sandata na siyang pangunahing nagbibigay-saysay sa kasanayan, o identidad bilang arnisador. Bibigyang-diin sa papel ang sistema ng eskrima o arnis na nakabatay sa sandatang may talim tulad ng itak na tinatawag ding “blade-based” o “blade art.”
Partikular na tatalakayin sa akda ang (a) klasipikasyon ng arnis, (b) salaysay ng pagsasanay sa paggamit ng itak, (c) anggulo ng pagtaga at paghakbang o footwork, (d) katangian ng itak at ang pamamaraan ng paggamit nito, (e) pamamaraan kung walang baston, at (f) ang pagdadalumat sa mga nabanggit upang ipakita ang pagbibigay saysay sa kasanayan ng pagiging arnisador, o pagbuo ng identidad, base sa isang espesipikong estilo o sistema ng arnis.
Susing salita: arnis, eskrima, Filipino Martial Arts (FMA), identidad, kasanayan
Abstract
This article will give a brief description of the art of arnis or eskrima, also known as Filipino Martial Arts or FMA which is currently being practiced in different parts of the world like the United States of America and Europe. Arnis practitioners learn how to use weapons first, such as an arnis stick before being taught how to use those movements for the “empty hands techniques” or the way to defending one’s self without the use of weapon such as an arnis stick.
Based from the author’s experience in learning arnis, the paper will show the concepts that mold the movements of the body and the manipulation of the weapons. Emphasis will be given on an arnis or eskrima system that is based on bladed weapons such as an itak, also known as “blade-based” or “blade art.”
In particular, the article will discuss the (a) classificaton of arnis, (b) story of how the author learned to use the itak or sword (c) angles of striking and footwork, (d) quality and description of the itak or sword and the “proper” way to use it, (e) how to use the art of arnis even if you don’t have sticks or sword, and (f) conceptualizing about identity as an arnisador in a specific system using the topics that was mentioned above.
Keywords: arnis, eskrima, Filipino Martial Arts (FMA), identity, skills