Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
Abstract
Abstrak
Ang tinaguriang “Carabao English” ay inilalarawan bilang isang katawa-tawa at hindi kanais-nais na paraan ng komunikasyon. Kinikilala ito bilang paaran ng pilit na paglakip sa dayuhang wika kung saan nagkaroon ng korupsiyon (sariling maka-Pilipinong pagbabaybay) ang wikang Ingles dahil sa naging paghahalo nito sa wikang Filipino. Tatangkain ng papel na ito na matunton ang naging paggamit sa “Carabao English” na mababakas sa mga diyalogo na inilarawan ni Tony Velasquez sa kaniyang likhang-sining na Kenkoy Komiks. Si Kenkoy ang kumatawan sa ‘kuwelang Ingles’ na sa unang pagtingin ay katawa-tawa ngunit kung bibigyan ng malalim na pagsusuri ay nagpapahiwatig ng mga makabayang aral at mga tunggalian sa isang kolonyal na lipunan. Ang layunin ng pag-aaral ay mabigyan ng masusing pagtalakay at masuri ang mga simbolismong pumapaloob sa Kenkoy Komiks na makikita sa ilustrasyon at mga linya nito. Bukod pa rito, layunin ding mabigyang-linaw at maisakonteksto ang nilalaman ng sining ng pagguhit at wikang “Carabao English” sa ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas at ang papel at paggamit ng nasabing wika sa layunin ng may-akda upang maisulong ang kaniyang mithiing pagkabansa. Matutunghayan mula sa pag-aaral ang pagtugon at ang pakikipagtunggali ng lipunang Pilipino sa panahon ng mga kultural na pagbabago sa dagok ng kolonisasyon mula sa komiks. Iminumungkahi ng pag-aaral na nagkaroon ng proseso ng akulturasyon sa wika kung saan sinasalamin nito ang pag-angkin ng lipunang Pilipino sa mga dayuhang elemento, ngunit nagkaroon ng pagtatakip upang maipagpatuloy ang diwang makabayan sa kabila ng kaayusang kolonyal na pinatatakbo ng Estados Unidos sa bansa.
Mga Susing Salita: komiks, Carabao English, Kenkoy, patriotismo, wika
Kenkoy’s Humourous English in Comics: An Analysis on the use of “Carabao English” as an Instrument of Advancing Patriotism under the American Colonial Period; 1929 – 1934
Abstract
“Carabao English” is portrayed as a farcical and an unfavorable means of communication. It was known to caused by an enforced adherence to the use of a foreign language wherein it formed a ‘corrupted version’ (based on the Philippine enumeration) of the English language due to its contact and mixing with the Filipino language. This paper aims to trace the usage of “Carabao English” based on the dialogues in Tony Velasquez’ Kenkoy Komiks. The main character, Kenkoy, embodies the use of “Humourous English” which at first glance may seem laughable however under thorough analysis implies patriotic values and underscores the struggles of Filipinos under a colonial society. The purpose of this study is to highlight and contextualize the use of “Carabao English” under the American colonial period in the Philippines and its use by the author in order to achieve nationhood. The dynamics of response and conflict within the Filipino society under a period of cultural change brought about by a new colonial era based on the comics, can be seen from the study. The study proposes that language underwent a process of acculturation where it reflects a gradual acceptance of foreign cultural elements within the Filipino society but nevertheless, became instrumental in promoting patriotism by serving as an alternative expression of continued resistance to American colonial rule.
Keywords: comics, Carabao English, Kenkoy, patriotism, language