Pagtukoy at Pagpapakahulugan sa mga Akdang Maritimo sa Pilipinas: Mga Makabuluhang Katangian at Kaugnay na Usapin
Abstract
Abstrak
Sa artikulo, isinusulong na sa pagturing sa Panitikang Maritimo bilang nagsasariling domeyn sa Panitikan, mas mapalilitaw ang mga katangian at kakanyahang makabuluhan sa Pilipinong kultura at pagkakakilanlan. Sa ganitong konteksto, mahalagang magkaroon ng lente sa panunuring pampanitikan na idinisenyo at iniangkop sa mga gawaing kaugnay ng dagat. Gayunman, kinaharap sa proseso ng pananaliksik ang dalawang matitingkad na suliranin: (1) May kakulangan sa sistematiko at komprehensibong dokumentasyon ng mga akdang maritimo at (2) walang malinaw at eksplisit na pagpapakahulugan sa Panitikang Maritimo ng Pilipinas. Upang makabuluhang masuri ang maritimo bilang domeyn, isinagawa muna ang pagtukoy sa mga akdang maaaring kumatawan dito. Ang papel na ito ay pagbabahagi ng mga naranasang kompleksiti sa seleksiyon at kategorisasyon ng mga malikhaing teksto. Taliwas sa inisyal na pananaw, hindi makasasapat ang simpleng paglahok sa dagat upang maituring na “maritimo” ang isang akda. Kaugnay nito, ibinabahagi ang importanteng mga katangian at usaping lumabas sa panunuri ng mga piling nobela at maikling kuwento. Inaasahang makapag-aambag ang pagsasaalang-alang sa mga ito sa makabuluhang pagpapakahulugan sa Panitikang Maritimo sa Pilipinas.
Mga Susing Salita: Panitikang Maritimo, Anyong Pampanitikan, Pampanitikang Domeyn, Talasograpiya, Dagat, Tekstong Maritimo
Abstract
The article argues that by categorizing the oceanic texts as a separate literary domain, the maritime Filipino character and significance can effectively come forth. In this context, there is a need to formulate frameworks and modes of knowing that are designed for the purpose of understanding the sea. However, in the process of developing the research, two major difficulties were encountered: (1) The lack of systematic and comprehensive documentation of maritime texts and (2) the absence of clear and explicit definition of Maritime Literature in the Philippines. In order to effectively develop the maritime as a literary domain, it is essential to identify the creative works first. Contrary to my initial belief, it appears that the mere presence of the sea in the text will not suffice for it to be considered “maritime.” The paper shares the complexity of selection and categorization encountered in analyzing selected novels and short stories. It explains some of the important features found in the texts and related concerns that may contribute to a more relevant definition of Maritime Literature in the Philippines.
Keywords: Maritime Literature, Literary Genre, Literary Domain, Thalassography, Maritime Text