Hugnayang Kognitibo: Balangkas sa Pagtatasa at Paglikha ng mga Kagamitang Panturo sa Filipino
Abstract
ABSTRAK
Malaki ang potensiyal ng mga teksbuk bilang pantulong sa pagtuturo at pagkatuto kaya nararapat lamang magarantiyang mataas ang kalidad ng mga ito upang tumugma sa matayog na mithiin ng edukasyon. Lumabas sa mga pagsusuri sa mga teksbuk na ginagamit sa primaryang edukasyon sa Pilipinas na ang mga kakulangan nito ang humahadlang sa ganap na pag-unlad ng kaalaman at paglinang sa proseso ng pag-iisip ng mga mag-aaral. Upang punan ang mga kakulangan, layunin ng pag-aaral na itong maglatag ng balangkas na gagabay sa pagtatasa at paglikha ng mga kagamitang panturo sa Filipino at ilarawan ang mga katangian ng mahusay na kagamitang panturo. Binigyan ng depinisyon ang konsepto ng hugnayang kognitibo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga prinsipyo ng nirebisang taksonomiya ni Krathwohl, konstruktibismo at metakognisyon. Ang balangkas na ito ang nagdikta ng mga elemento at katangian ng mga kagamitang panturong sumusunod sa pamantayan ng hugnayang kognitibo.
Mga susing salita: Filipino teksbuk, kagamitang panturo, hugnayang kognitibo, konstruktibismo, metakognisyon
ABSTRACT
The potential of textbooks as a multi-faceted teaching and learning aid compels a guarantee that they are produced with the level of quality required for them to fulfill their envisioned purposes. Studies have shown that Philippine textbooks are wanting in this regard as they have inadequacies that prevent the exhaustive development of students’ knowledge and cognition. To fill this void, the current study pursued the following objectives: to propose a framework for the evaluation and development of cognitively complex Filipino instructional materials and to describe the qualities of cognitively complex instructional materials. I defined cognitive complexity by integrating the principles of the revised Krathwohl’s taxonomy, constructivism and metacognition. This framework prescribes the components and characteristics of instructional materials that adhere to cognitive complexity standards.
Key words: Filipino textbooks, instructional materials, cognitive complexity, constructivism, metacognition