"Kanya-Kanyang Rizal": Diskurso ng Kabayanihan sa Pelikulang Rizal

  • Mary Jane B. Rodriguez-Tatel Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

ABSTRAK

Ipinopook sa artikulong ito ang iba’t ibang pag-unawa at pagpapakahulugan sa diskurso ng kabayanihan ni Rizal. Sa ganang ito, kinasangkapan ang pelikulang “Bayaning Third World” bilang isang makapangyarihang teksto ng nasabing diskurso. Gamit ang mga salitang “sipat,” “suri,” at siyasat,” hinimay-himay ang teksto upang maitampok ang tatlong mahahalagang punto sa pelíkula at kasaysayan ng pagsasapelikula sa buhay ng bayani.

 

Una, bilang isang meta-pelikula, masisipat dito ang isang malikhaing kaparaanang mailahok at maisangkot ang manonood sa isang dinamikong proseso ng patuloy na reproduksiyon ng buhay at kabayanihan ni Rizal.

 

Ikalawa, hindi lamang ito malikhain, politikal din. Ipinakita kung paano pinahihintulutan ng pelikula ang mga mambabasa na mabalikan at masuri ang mas malawak na kontekstong inaangklahan ng walang kamatayang debate sa kabayanihan ni Rizal: ang politika ng retraktasyon. At sa huli, muling binuhay ang bayani bilang mensahe ng pagpatay sa isyu ng pagbawi.

 

Ikatlo, siniyasat ang subteksto, ang nakabaong pakahulugan ng teksto sa pariralang ”kanya-kanyang Rizal” kaugnay ng pamagat na “Bayaning Third World.” “Third World” ang diskursibong anyo ng bayang nagluwal sa isang Rizal. Diskursibo ang bayang ito sapagkat lunan ng mga tunggalian. Subalit hindi lamang ito pasibong espasyong ginaganapan ng kilos at galaw ng kapangyarihan. Isa rin itong aktibong kalahok sa diskurso. Ibig sabihin, nakikipagtalaban. “Bayaning Third World”—bayani ng diskursibong bayan—ang nagsisilbing ekspresyon ng pakikipagtalaban ng Bayan sa bayani. Sinasapul ang pakikipagtalabang ito ng pariralang “Kanya-kanyang Rizal” na binigyang-daan ng pelikula. Sa pamamagitan nito, higit na itinatampok ang kakayahan ng Bayan na angkinin at muling likhain ang kanyang bayani upang ganap na itanghal ang kanyang kapangyarihan sa larang ng pagpapakahulugan.

 

Mga susing salita: diskurso, Araling Rizal, panunuring pampelikula, discourse

analysis

 

ABSTRACT

 

This article explores the various ways of understanding Rizal as the core theme in the discourse about kabayanihan. The movie, “Bayaning Third World,” serves as a text upon which we can examine the said discourse. Using the keywords, “sipat,” “suri,” and “siyasat” which all pertain to different modes of “looking,” this article attempts to provide a more nuanced critique of the film.

 

First, from the vantage point of “meta-film” the article demonstrates how the movie narrates not just the life and death of the hero but the historical and creative processes behind the filming of his heroism. As it actively engages the audience or the people in such creativity, the text has become a discursive site.

 

Second, the article demonstrates the political nature of this creative process as it locates the film in the re-examination of the retraction controversy. This is the larger context which sets the stage and backdrop of the critique. It highlights the figurative coming back to life of Rizal in the movie that sends a powerful message: retraction controversy is dead.

 

Finally, the article teases out the subtext of the title “Bayaning Third World” in relation to the catch-phrase “Kanya-Kanyang Rizal.” “Third World” billing of the Philippines in the world political-economic order underscores the discursive character of the “bayan” or the people that it represents. “Bayaning Third World” albeit, redirects our attention from the “bayani” to the “Bayan” not just as an “embattled terrain” but an active participant in the discourse of meaning-making. “Kanya-kanyang Rizal” succinctly captures the truth behind this “making and remaking” of Rizal by the Bayan, which is indeed empowering.

 

Keywords: discourse, Rizal Studies, film criticism, discourse analysis

Published
2021-04-12