Ang Impluwensiyang Rizal sa Ilang Piling Anyo ng Panitikan, at Pelikula sa Pagdaan ng Panahon
Abstract
ABSTRAK
Sapat na ang nakalipas na mahigit isandaangtaong pagsulpot at pananatili ng buhay at mga akda ni Jose Rizal upang sabihing nakaimpluwensya nga ito sa mga banghay at berso ng mga sumusunod na makata, kuwentista, nobelista, dramaturgo o maging manlilikha ng pelikula. Dahil may budbod pang-unibersal ang paksang tangaytangay ng mgalikha ni Rizal, kung tutuusi’y halos lahat na yata ng panitikero’t manunulat na sumulpot matapos ang panahon ng bayani ay maaaring ituring na impluwensyado ng kaniyang kaisipan at pilosopiya.
Matutunghayan sa papel na ito ang isang inisyal na pagtatala ng ilang piling anyo na naglalaman ng mga simpleng pagkasangkapan sa mga pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo at sa kaniyang mga ideya, konsepto, at ideolohiya tungkol sa wika, kabataan, edukasyon, katarungan, bayan, kalayaan, at iba pa. Itatala rin dito ang mga akdang isinulat ng mga manunulat na malay sa panggagagad sa banghay at buhay ni Rizal, at ang mga nagwagi sa patimpalak Carlos Palanca partikular sa anyong maiklingkuwento.
Ang konsepto ng pagiging malay ng mga manunulat ay ibabatay ng mananaliksik sa pagkaintindi nila sa kasaysayan at lipunan, at sa sariling pagbasa sa kabuuan ng manunulat bilang alagad ng arte at literatura. Nais ding bigyan ng pansin sa papel na ito ang kagyat na pagsusuri kung ano ang nagtulak sa kanila upang lumikha ng akdang dinampot o kung di ma’y nagpatuloy sa krusada ng mga tauhan ni Rizal. Ililimita sa mga anyo ng tula, maikling kuwento, nobela, at pelikula ang pagtatala ayon sa bigat ng impluwensiya at impact sa masang manonood. Ibig sabihin may akdang direktang gumamit ng tauhan at banghay bagama’t ang ila’y nakuntento na lamang sa panggagagad ng imahen.
Mga susing salita: Impluwensiyang Rizal
ABSTRACT
It has been more than a century since Rizal has offered his life and works for the Filipinos and the world. The universal subject and representations of characters in his poetry, prose and novel, must have a huge impact on his readers that many works of poets, short story writers, novelists, playwrights and other literati bear semblance to them. Some contemporary literary pieces use his main characters in Noli Me Tangere and El Filibusterismo, while others play with his central views on language and education, struggle for freedom and equality, and his trust and confidence on the youth to bring forth change, among others. This paper is an initial work that aims to document and study films and other literary pieces that manifest the ideas and characters of Rizal. The survey includes works by writers known to have been influenced by the writings of Rizal, as well as literary genres that won in the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. The study will look at the impact of Rizal’s ideas based on how they were used in the stories, represented in the verses, and how his characters in the two main novels have continue living in contemporary literature. It will also analyze factors that have influenced writers in carrying on with these themes.
Keywords: Influences of Rizal