Hulagway ng Yutang Kabilin sa mga Mapa mula sa Lumad Bakwit Iskul: Isang Panimulang Pag-aaral

  • Jose Monfred C. Sy Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Abstract

Abstrak

Kinikilatis ng panimulang pag-aaral na ito ang limang mapa na nilikha ng mga mag-aaral na Lumad ng Bakwit Iskul sa Kamaynilaan. Sa matagal na panahon, naging target ng dahas sa anyo ng militarisasyon at pangangamkam ng lupa ang mga Lumad at ang mga paaralan na kanilang itinayo para sa susunod na salinlahi. Inaalpasan ng ilang komunidad ang karahasan sa pamamagitan ng pagbabakwit (mula sa Ingles na “evacuate”) mula sa kanilang yutang kabilin (“lupang ninuno”). Inilunsad nila ang Bakwit Iskul sa mga lungsod upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng kabataang bakwit bilang protesta sa pagtatangkang pagyapak sa karapatan ng Lumad sa lupa at edukasyon.

Sinisikap ng pag-aaral na ito na unawain kung paano ginugunita ng mga mag-aaral sa Bakwit Iskul ang yutang kabilin na kanilang ipinaglalaban sa kabila ng kilo-kilometrong layo mula rito. Ipinapalagay ang potensiyal ng pagmamapa, partikular na ng “kontra-mapa,” sa pag-unawa at pagpapatampok ng kaalamang pampook at karanasan sa pook ng mga isinasantabi sa lipunan na maaaring mailap sa anyong berbal. Iginigiit na nakahabi ang iba’t ibang anyo ng dahas sa hulagway ng yutang kabilin. Kung pagtutuunan ng pansin ang oryentasyon, estilo, at mga deskripsiyon nito, masasabing magkabuklod ang pandarahas at pag-asa sa kanilang gunita ng lupang sinilangan at babalikan.

 

Mga susing salita: bakwit, dahas, kontra-mapa, Lumad, lupang ninuno, yutang kabilin

 

Abstract

This preliminary study analyzes five maps crafted by students of the Bakwit School for displaced Lumad youth in Metro Manila. For the longest time, the ethnolinguistic groups that comprised the Lumad and the schools they established for the youth have been targeted by different forms of violence such as militarization and land-grabbing. Communities overcome these attacks through bakwit (from the word “evacuate”) where they temporarily leave their yutang kabilin (“ancestral land”). The Bakwit School was established to help Lumad youth continue their studies to protest attempts to step on their rights to land and education.

This study seeks to understand how students of the Bakwit School remember and reflect on the land they are fighting for despite their distance from it. I suggest that mapping, particularly the counter-map, could help understand and underscore the spatial knowledges and experiences of the marginalized beyond verbal understanding. This essay argues that markers of violence are woven to the image of the yutang kabilin. Upon closer inspection of orientations, styles, and descriptions, it could be said that the young “cartographers” tie violence and hope in reconstructing their ancestral land through maps.

 

Keywords: bakwit, violence, counter-map, Lumad, ancestral land, yutang kabilin

Published
2022-02-02