Potensiyal ng Kadagaan sa Pakikibaka para sa Lupa: Danas ng Hacienda Sta. Isabel at San Antonio
Abstract
ABSTRAK
Nilalayon ng papel na unawain ang konseptong “kadagaan” ng mga migranteng Ilokano sa kanilang paglipat sa Ilagan, Isabela nang mahikayat ng mga administrador ng Tabacalera na magtatrabaho sa Hacienda Sta. Isabel at San Antonio simula 1881. Sa kabila ng mahirap na kalagayan sa mga plantasyon ng tabako, pinanghawakan ng mga tenant ang pangakong mapapasakamay nila ang pinagpapagurang lupa pagsapit ng 1981, ang ika-100 taon ng Tabacalera sa Pilipinas. Nagpasalin-salin ang ganitong naratibo mula sa mga ninunong Ilokano na unang nagtrabaho sa mga asyenda hanggang sa mga sumunod na henerasyon. Gayunman, hindi ito nagkaroon ng katuparan dahil sa halip na ipamahagi ang mga lupain sa mga magsasaka, ibinenta ng kompanya ang mga asyenda sa korporasyong ANCA na pagmamay-ari ni Eduardo Cojuangco, Jr. noong 1980. Sa gitna ng panganib na maagaw ang mga lupaing pinagpaguran nila at ng kanilang mga ninuno, masisilayan ang potensiyal ng konseptong “kadagaan” sa pagtatanggol ng mga magsasaka sa halaga ng lupa at pagpapagal.
Mga Susing Salita: kadagaan, Tabacalera, ANCA, repormang agraryo, Danding Cojuangco
ABSTRACT
The paper aims to understand the concept of “kadagaan” in the context of Ilocano migration to the town of Ilagan, Isabela in 1881 when they were recruited by Tabacalera administrators to work in the tobacco plantations of Hacienda Sta. Isabel and San Antonio. Despite experiencing harsh conditions, the tenants held on to the promise that the lands would be given to them on 1981 - Tabacalera’s 100th year in the Philippines. The narrative of promise was passed on from generation to generation but was not fulfilled. In 1980, instead of distributing the lands to the tenants, Tabacalera sold the haciendas to ANCA corporation owned by Eduardo Cojuangco, Jr. In the face of losing what they and their ancestors worked for for a century, the farmers would realize the potential of “kadagaan” in fighting for land and labor.
Keywords: kadagaan, Tabacalera, ANCA, agrarian reform, Danding Cojuangco