Apat na Dulá ukol sa Adbokasiya ng Positibong Disiplina

  • Fredyl B. Hernandez

Abstract

Itinatag ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ang Advocate Right to Safety Zone Project for Chil-
dren na mas kilala sa ARTS Zone Project bilang programang pangkultura na nagsusulong ng adbokasiya sa positibong


disiplina at karapatang pambata. Layunin ng programang baguhin ang namamayaning kultura ng dahas sa pagdidisiplina
ng mga bata at kabataan. Ang positibong disiplina ay ikinakampanya sa publiko bilang alternatibo sa korporal na parusa,
at iba pang porma ng marahas at mapanakit na disiplina.
Isa sa mga naging pangunahing pamamaraan ng pagsisiswalat ng adbokasiya ay ang paglikha ng produksiyong


panteatro at paglilibot nito sa mga komunidad at paaralan. Unang nabuo ang dulang Rated: PG na tumungo sa mga pan-
gunahing lungsod sa Metro Manila. Nang higit pang pinalawak ang saklaw ng programa, nabuo ang tatlong adaptasyon


ng dula sa mga rehiyon sa pakikipagtulungan ng mga grupong panteatrong katuwang sa adbokasiya—ang Ahh... Bakus!
(Ahh... Sinturon!) ng Youth Advocates Through Theater Arts (YATTA) sa Dumaguete City, Si Al buda an Tsinelas (Si Al
at ang Tsinelas) ng Sining Banwa sa Legazpi City, at ang Istoryahe Lang Ko (Kausapin Mo Ako) ng Teatro Guindengan
sa Ozamiz City.
Lilimiin ang estetika ng diyalogo sa teksto ng mga dulang ito na tumatampok sa isang karaniwang mag-anak kasama
ang kanilang mga hamong kinakaharap sa buhay, ang kontekstong panlipunan na kanilang nilulugaran, at ang mga naging
implikasyon nito sa pagdidisiplina sa mga bata sa loob at labas ng tahanan. Ang mga linya ng mga tauhan sa dula maging
ang mga akto ng pakikipagdayalogo sa mga eksena ng pagtatanghal ay nagsisilbing mga lunsaran ng pagbubukas ng mga


posibilidad sa mga manonood. Sa pagdanas ng teatro, ang publiko ay kagyat na hinihimok na huwag manatili sa pagka-
katali sa isang sarado o walang-kawalang kalagayan na problematisasyon ng pagdidisiplina sa mga bata na kadalasang


nagreresulta sa marahas na pamamaraan. Inaanyayahan ang lahat na maging malikhain, buksan ang isipan, at kilalanin
ang dignidad ng bawat isa, bata man o matanda, upang ang disiplina ay huwag kailan man ituring bilang kasingkahulugan
ng parusa.

Published
2024-06-04