Kayamanan, Pag-aasam, at Paghilom sa Ad-dëm ng mga Ibaloy

  • L.A. E. Piluden

Abstract

Nakatalâ sa saliksik ni Ramon P. Santos, Ang Repertoryong Pantinig ng Ibaloi sa Kabayan (2017), ang isang ad-dëm,
isang awiting tumatawag sa mga kabunyan at ang kani-kanilang daláng biyaya sa mundo ng mga Ibaloy: ang balitok
(ginto), kintoman (puláng bigas), nowang (kalabaw), at ang polos (gábi). Ang mga kasangkapang ito ay may taglay na
pagpapakahulugang nakapaloob sa kabuuáng chiva (sistema ng mga naratibo at pagkukuwento) ng mga Ibaloy sapagkat
hindi maaaring ihiwalay ang talakayan ng panitikang Ibaloy sa chiva na lumilinang dito. Bukod sa pagiging talâ nitó ng
kasaysayang pangkalinangan ng mga Ibaloy, inilalarawan ng ad-dëm ang kanilang konsepto ng kayamanan; gayundin
ang katutubong artikulasyon ng pag-asam at paghilom.

Published
2024-06-04