Ideolohiyang Agta sa Awit na On Potok¹

  • Ma. Cecilia C. de la Rosa

Abstract

Sinusubukan ng papel na ito na halawin ang Ideolohiyang Agta mula sa On Potok, isang awit-


protesta na laganap sa mga komunidad ng Agta sa mga bayan sa Luzon na nakalatag sa kahabaan ng


Bulubundukin ng Sierra Madre. Ang On Potok ay likhang-bayan at awit-komunidad ng mamamayang


Agta, na inaawit sa purong wikang Bulos (Umiray-Dumaget). Gamit ang mga metodolohikal na pre-


rekisitos ni Valentin Voloshinov para sa pagsusuri ng mga senyas, tinukoy sa liriks ng awit ang mga


salita na matatalaga bilang mga ideolohikal na senyas na umunlad sa konteksto ng produksyon,


kultura, at pakikibakang pulitikal ng mamamayang Agta. Nahanap sa mga senyas na ito ang mga


bagay na pinahahalagahan ng lipunang Agta: ang lupa, si Makidapat (diyos), ang tao (agta), at ang


pakikibakang anti-dam. Mula rito’y napagtitibay na taglay ng On Potok ang Ideolohiyang Agta na


nagkahugis simula nang magkaroon ng banta ng mga dam sa kanilang lupang ninuno.

Published
2024-07-10