Pagsibol, Pagsulong, Paglihis, at Pagwawasto:Mga Talâ hinggil sa Kasaysayan ng Pag-unlad ng Rebolusyonaryong Gawaing Pangkultura at Pampanitikan sa Panay (1970-2005)
Abstract
Salin ito ng sanaysay na isinulat sa wikang Hiligaynon ni Roger Felix V. Salditos, isang manunulat at rebolusyonaryong
martir mula sa Kanlurang Kabisayaan. Inilatag ng sanaysay ang pag-unlad ng rebolusyonaryong gawaing pangkultura
at pampanitikan na isinagawa ng kilusáng rebolusyonaryo sa Isla ng Panay mula sa taóng 1970 hanggang 2005.
May mahabang kasaysayan ang Panay ng pagsiklab ng mga pag-aalsang magsasaká. Mayaman din itong bukal ng
rebolusyonaryong panitikan at sining na sinikap bigyan ng panimulang dokumentasyon at pagsusuri sa sanaysay ni
Salditos. Mula sa punto de bistang akademiko, may makabuluhang ambag ang sanaysay ni Salditos sa pagpapalawak
at pagpapalalim ng mga naunang pagsisikap na imapa ang naabot at mga hanggahan ng mga produksiyong kultural at
pampanitikan sa Isla ng Panay at Kanlurang Kabisayaan