Ang Wika ng Mag-asawang Laykong Lingkod ng St. Clare of Assisi Parish, Malabon mula sa Iba’t Ibang Konteksto Gamit ang Pag-aaral ni Maggay
Abstract
Ang marriage encounter weekend seminar ay isang uri ng programa para sa post-cana na isinusulong ng Marriage
Encounter Foundation of the Philippines upang mapagtibay pa ang relasyon ng mga mag-asawa. Bilang mga laykong
lingkod ng St. Clare of Assisi Parish, na sumasakop sa ilang mga bloke ng Brgy. NBBS, Navotas City at Brgy. Longos,
Malabon City, ang mananaliksik at ang kaniyang mga kasamang mag-asawang naglilingkod sa Family and Life Ministry
ay naging bahagi nito at napansin niya ang postibong pagbabago sa kanilang buhay mag-asawa.
Pumili ang mananaliksik ng sampung pares ng mag-asawang laykong lingkod ng St. Clare of Assisi Parish na
sumailalim dito at ginamit naman ng mananaliksik ang pag-aaral ni Maggay upang suriin ang mga wika ng mag-asawa
sa iba’t ibang konteksto.
Naging batayan ng kaniyang pananaliksik ang tatlong batis ng pag-aaral: liham o love letter, pinatnubayang talakayan
o focus group discussion (FGD); at testimonya ng sampung mag-asawang itong sumailalim sa marriage encounter.