Mahugong na Kahapon, Mataginting na Darating: Isang Hiraya na Bunsod ng Tawag ng Bantula

  • Felipe M. de Leon, Jr.

Abstract

Ang Tawag ng Bantula ay malaki ang nagawa para makilala natin ang kawayan bilang isang buhay at ginintuang likha ng kalikasan. Humanga tayo sa kanyang napakaraming gamit tulad ng puno ng niyog. Naipakita sa atin ang kanyang tibay at lakas, tulad ng asero at semento. Naituro din sa atin kung paanong pumutol ng kawayan na hindi napipinsala ang inang tanim. At naipaliwanag kung kailan dapat umani ng kawayan upang makuha ito ng buong lusog at katatagan, wika nga ay dapat na taga sa panahon. Kung hindi ay madali itong bubukbukin at mabubulok.

Higit sa lahat naipamalas sa atin ng Tawag ng Bantula ang yamang-tunog, ang hiyas kalinangang mga tradisyon ng musikang pangkawayan sa ating bayan. Nariyan ang mga hugong, palakpak, kaskas, karag, kalatog, taguktok, aliw-iw, tinis, dagisdis, taginting, at iba pang mga tunog. Ang mga ito ay nililikha sa iba’t ibang paraan tulad ng pagpalo, pagpukpok, pagkahig, pagbayo, pagkalog, pagihip, pagkanti, at pagkalabit.
Published
2009-10-22
Section
Articles